Wednesday Dec, 06 2023 10:27:18 PM

No bakuna vs. COVID, no LET exam in Kidapawan

Local News • 15:15 PM Mon Oct 3, 2022
460
By: 
DXND Radyo Bida Kidapawan
Larawan ng ilang mga guro na di naka-exam dahil walang anti-vaccination o hindi naka-first 2 dosages at 2 booster shots.(DXND photo)

KIDAPAWAN CITY - "Umalis ng bahay dala ang pangarap pero umuwing bigo."

Isa lang yan sa pahayag ng nasa higit 30 mga examinees ng Licensure Examination for Teachers (LET) na hinarang at hindi pinayagang makasali sa pagsusulit matapos bigong makapag presenta ng vaccination card sa Kidapawan City National High School na siyang isa sa mga testing center.

Mag-aalas 6 pa lang ng umaga naghintay si alias Elmer nang hindi papasukin dahil wala itong maipresent na vaccine card, ang rason niya may Asthma ito at ibang karamdaman.

Si Jossie naman na 50 years old mula pa sa Sarangani ay may heart problem; isang alias Macoy na taga Cotabato City na may sakit din sa puso at internal organs; lahat naman ay may medical certificate at sumailalim sa quarantine at RTPCR test. Habang si Abegail naman ay may Affidavit of Objection on COVID vaccine na notaryado ng abogado dahil hindi bukas sa kanilang relihiyon ang pagpapabakuna.

Maliban sa hindi sila pinayagan makapag exam ay hindi anila maayos ang pagtrato sa kanila ng taga Professinal Regulation Commission o PRC habang hinaharang sila sa gate ng testing center kung saan sinabihan pa silang "Wala akong pakialam."

Ang nakakapanghinayang anila ay sa susunod na taon, nakabase na sa K-12 Curriculum ang exam kung saan kailangan na nilang kumuha ng dagdag na units at magreview ulit dahil lahat sila ay nasa old curriculum pa.

Ang sabi ng taga PRC na humarap sa kanila may kautusan o ordinansa anila mula kay Mayor Atty. Paolo Evangelista hinggil dito sa dokumentong ipinakita sa kanila ay wala namang pirma ng alkalde at hindi naman ito City ordinance o Executive order.

Sa guidelines at requirements naman na ipinalabas ng PRC Region 12 ay kailangan mag present ng RT-PCR Test Results, quarantine certificate or vaccination card (2 doses). Pero sa Kidapawan City ay kailangang vaccinated ng 2nd dose ang dapat sasali sa exam.

Humingi ng komento ang Radyo BIDA mula sa alkalde pero tumanggi muna itong magpa interview pero sinuguro niyang mabibigyan ito ng agarang aksyon.

Sinubukan ring kunan ng pahayag ng team ang taga PRC na humarap sa mga examinees kahapon pero hindi sila nagpaunlak ng panayam.

Bukas naman ang Radyo BIDA sa pakikipagugnayan sa PRC Region 12 hinggil sa naturang reklamo.

Gabi na ng umuwi ang ilan sa kanila sa pagaakalang mabibigyan sila ng pagkakataong makapag exam.

PNP tags 2 Daulah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...

3 face illegal possession of 6 rifles, narcotics raps

COTABATO CITY -  The Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region confirmed on Tuesday that the three residents of this city captured...

NDBC BIDA BALITA (Dec. 6, 2023)

HEADLINE 1   NOTRE DAME University sa Cotabato City, may 32 BAR passers; Babaeng Jail Officer sa BARMM, isa naman sa mga pumasa 2023...

32 NDU College of Law graduates, pumasa sa BAR exams; BJMP BARMM official pumasa din

ABOT sa 32 mga graduate ng Bachelor of Laws ng Notre Dame University o NDU Cotabato City ang pumasa sa kakatapos lang 2023 bar examinations. Batay...