NDBC COVID WATCH: DOH-12 reports more recoveries than new cases
COTABATO CITY - SA IKALAWANG SUNOD NA ARAW ng monitoring ng Department of Health 12, naitala nito ang mas maraming gumaling kumpara sa bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19.
Sa ipinalaba na pahayag kagabi, sinabi ng DOH 12 na merong naitalang 45 na mga pasyente ang naka-survive sa virus habang may 28 namang ang mga bagong kaso.
Isang 61-taong gulang na lalaki na taga Kiamba, Sarangani ang pinakahuling namatay dahil sa Covid.
Sa 45 na mga gumaling, 12 ang taga South Cotabato, 12 din ang taga Gen. Santos City, siyam taga Cotabato City, lima naman mula SArangai, apat ang taga Sultan Kudarat at tatlo taga North Cotabato.
Kabilang sa mga gumaling na taga Cotabato City ay ang isang 2-year-old na batang babae at 10-year-old na lalaki, kapuwa nahawa sa isang Covid-19 positive na kamag-anak.
Dahil diyan, abot na sa 733 ang kabu-uang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit.
Ang total confirmed cases naman sa Region 12 ay nasa 1,229 na at 468 ang active cases.