NDBC COVID WATCH: 38 recover, 30 new cases
COTABATO CITY - MULI MAS MARAMI ang gumaling kaysa panibagong kaso ng COVID-19 sa Region na naitala ng Dept of Health hanggang kagabi.
Sa ulat ng DOH-12, merong 38 mga pasyente ang gumaling sa Covid-19 habang may 30 lang ang panibagong kaso na naitala.
Sa 38 na naka-recover, ang South Cotabato ay merong 22; Cotabato City ay may walo, lima sa Gen. Santos City, tig isa mula North Cotabto, Sultan Kudarat at Sarangani.
Dahil diyan, meron na ngayong total recovered patients ang rehiyon na 856.
Kagabi din, naitala ang 30 na bagong kaso kayat meron na ngayong 1,374 ang total confirmed cases sa Region 12.
Sa 30 bagong kaso, South Cotabato ay may siyam, siyam din ang mula Cotabato City, tatlo mula North Cotabato; GenSan anim, at dalawa sa Tacurong.
Isa pa ang nasawi na taga Cotabato City. Ito ay ang 75 year old na babae na nasawi kahapon at isang COVID-19 positive. Dahil diyan, tatlo na ang namatay sa Cotabato City.
Ang death toll sa buong rehiyon ay abot na sa 34.