NDBC COVID WATCH: 32 recover, 25 new cases in Region 12
HEALTH • 22:00 PM Mon Oct 5, 2020
875
By:
Edwin O. Fernandez
COTABATO CITY SA IKALAWANG MAGKASUNOD NA ARAW, MAS marami ang gumaling sa sakit na Covid-19 kumpara sa mga bagong kaso sa Region 12.
Iniulat ito ng Dept of Health ngayong gabi.
Ang bilang ng mga gumaling sa Soccsksargen region kahapon ay abot sa 32 kayat sa kabu-uan, meron nang 1,041 ang total recovered Covid patients sa rehiyon.
Sa 32 na gumaling, 12 mula Gen. Santos City, 10 taga South Cotabato, lima taga Cotabato City, tatlo sa Sultan Kudarat at isa sa Sarangani.
At dahil may 25 bagong kaso, ang total confirmed Covid-19 cases sa Regin 12 ay abot na sa 1,628.
Isa naman ang nasawi at siya ay taga GenSan. Total death toll sa Region 12 ay abot na sa 40, at 17sa mga namatay ay taga GenSan.