NDBC COVID WATCH: 31 recover, 48 new cases in Region 12
COTABATO CITY - Umaabot sa 31 ang naitalang gumaling ng Department of Health sa Region 12 hanggang kanina. Dahil dito meron ng 1,343 na recovered patients sa Rehiyon.
Sa naturang bilang 14 ang mula sa General Santos City, 10 Cotabato City, 5 North Cotabato, tig 1 sa North Cotabato at Sultan Kudarat. Nadagdagan naman ng 48 na bagong kaso ng Covid 19 Infections ang Soccsksargen Region kung kayat abot na sa 1,986 ang total COVID 19 cases.
Sa mga bagong kaso,15 General Santos City, 9 Cotabato City, tig 8 sa North Cotabato at South Cotabato, 6 Sultan Kudarat at 2 Sarangani.
Pinakamarami parin ang kaso sa South Cotabato na abot sa 568, Gen. Santos City 556, Cotabato City 397, North Cotabato 176, Sultan Kudarat 145, at Sarangani 144.
Tatlo pang mga pasyente ang nasawi, tig isa sa Cotabato City, Polomolok South Cotabato, at General Santos City. Dahil dito abot na ngayun sa 57 ang bilang ng binawian ng buhay sa Rehiyon.