NDBC COVID WATCH: 28 patients recover, 30 new cases
HEALTH • 08:30 AM Wed Sep 30, 2020
901
By:
DXMS Radyo Bida
COTABATO CITY - May 30 panibagong kaso ng Covid-19 ang naitala sa Region 12 hanggang kagabi.
Dahil dito, abot na sa 1,404 na ang total confirmed Covid-19 cases sa Soccsksargen.
Labing dalawa sa mga bagong kaso ay mula sa South Cotabato, siyam sa Gen. Santos City, apat sa Cotabato City, tatlo sa Sultan Kudarat at dalawa sa North Cotabato.
Meron namang 28 mga pasyente ang gumaling. SA bilang ito, 11 ang mula Cotabato City, tig lima sa Gen. Santos City at South Cotabato, tatlo sa Sultan Kudarat at dalawa sa North Cotabato habang isa sa Sarnagani.
Ang bilang ng mga nasawi sa Region 12 ay 34.