NDBC COVID 19 WATCH: Zero death due to Covid-19 in Region 12, BARMM
COTABATO CITY - Sa magkasunod na apat na araw, mas marami ang mga naitatalang bilang ng mga nagpopositibo sa Coronavirus disease sa Region 12 kaysa mga gumagaling.
Kahapon, iniulat ng Department of Health ang 28 panibagong COVID-19 infections kung kayat umakyat na sa 4,155 ang total cases sa Rehiyon.
14 sa mga bagong kaso ay taga Sultan Kudarat kung saan pinakamarami parin sa mga ito ay mula sa Tacurong City, 9 South Cotabato at 5 General Santos City.
Umakyat naman sa 3,544 ang bilang ng gumaling sa coronavirus disease sa Rehiyon. Ito’y matapos makapagtala ang DOH ng karagdagang 12 recoveries kahapon.
Sa nasabing bilang, syam ang taga General Santos City at tatlo sa Sultan Kudarat. Walang naitalang nasawi kahapon, pero tumaas ng hanggang 463 ang aktibong kaso.
Samantala, zero case o walang may naitalang panibagong kaso ng COVID-19 infection ang Ministry of Health sa Bangsamoro Region.
Nanatili sa 3,483 ang total Covid-19 cases sa rehiyon at 110 ang active cases. Nasa 141 parin ang bilang ng mag nasawi dahil sa virus sa rehiyon.