NDBC COVID 19 WATCH: Number of patients nearing 5K
Kaso ng COVID-19 sa region 12 halos 5,000 na.
Umakyat na sa 4,928 ang mga nagpositibo sa coronavirus disease sa bansa. Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 56 na panibagong kaso ng sakit sa rehiyon.
Pinakamarami sa mga bagong kaso ay taga South Cotabato na umaabot sa 26, General Santos City 23, North Cotabato 5, Sarangani 2 at Sultan Kudarat 1.
Abot naman 32 ang bagong napaulat na pasyenteng gumaling kung kayat meron ng ngayung 4,222 recovered patients sa rehiyon.
Labing apat sa mga gumaling ay mula North Cotabato, siyam South Cotabato, lima Sultan Kudarat, tatlo Sarangani at isa General Santos City.
Walang iniulat na nasawi kahapon kung kayat nanatili sa 176 ang total COVID-19 related deaths sa rehiyon. Nasa 529 naman ang aktibong kaso.