Sunday Jun, 13 2021 01:29:56 AM

NDBC COVID 19 WATCH: 32 new infections, 22 recoveries in Region12

HEALTH • 01:45 AM Thu Dec 24, 2020
170
By: 
NIGEL PAUL FLORA SUMANGHID/NDBC

COTABATO CITY - Tuloy-tuloy pa rin ang pagpasok ng mga panibagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Region 12 dalawang araw bago ang Pasko, ayon sa mga bagong datos na inilabas ng Department of Health.

Nakapagtala pa kasi ng karagdagang 32 panibagong kaso ng Coronavirus infection ang SOCCSKSARGEN Region dahilan upang sumampa na sa 4,485 ang total Covid infection.

15 sa mga bagong kaso ay taga Sarangani, 8 South Cotabato, 5 Sultan Kudarat, 2 General Santos City, tig-iisa sa Cotabato City at North Cotabato.

Gumaling naman mula sa deadly virus ang 22 na mga pasyente kahapon kung kayat umaabot nasa 4,040 ang bilang ng mga recoveries sa rehiyon. Sa 22 na pasyenteng gumaling, 10 ang taga South Cotabato, tig-lima sa General Santos City at North Cotabato at 2 sa Cotabato City.

Ang General Santos City parin ang nangunguna sa mga lugar na may pinakamaraming kaso ng sakit, na umabot sa 1,324, sumusunod ang South Cotabato na may 1,119 Covid Positive, Cotabato City 1,031 Covid infections, Sarangani 413, North Cotabato 348 at Sultan Kudarat 250.

Dalawa naman ang naitalang nasawi kahapon, kabilang na rito ang isang 40 anyos na lalaki na taga Gensan at isang 72 anyos na babae na taga Alabel kapwa nasawi ang mga ito dahil sa complikasyon at dahil sa Covid 19.

Dahil diyan sumampa na sa 159 ang total case count ng mga binawian ng buhay dahil sa virus. Habang nanatili pa sa pagamutan ang 285 ng mga pasyente.

Sa Bangsamoro Region, anim ang panibagong kaso ng Coronavirus infection ang naitala ng Ministry of Health sa lalawigan ng Maguindanao.

Dahil dito sumampa na ng hanggang 2,511 ang kabuoang bilang ng covid 29 sa BARMM.

Nangunguna parin ang Lanao del Sur at Marawi City sa may pinakamaraming kaso ng sakit na may, 1,149 Covid positive, sumusunod ang Maguindanao na may 663 covid infection, pangatlo ang Sulu na may 245 cases, Basilan at Lamitan 197 at Tawi-tawi 137.

Nanatili parin sa 96 ang naitalang nasawi sa boung Bangsamoro Region.

COVID 19 UPDATE: Region 12 records 340 healed, 244 new infections

COTABATO CITY - Regional COVID-19 tracker as of June 12, 2021 (6:00pm) TWO-HUNDRED-FORTY-FOUR (244) NEW CONFIRMED CASES THREE-HUNDRED-FORTY (...

Thousands displaced by flashfloods in South Cotabato

KORONADAL CITY --- More than 2,000 villagers got displaced by flashfloods that swept through low-lying barangays in South Cotabato province...

With NoCot mayor "missing," vice mayor assumes post

KIDAPAWAN CITY - Opisyal ng umupo si Vice Mayor Rogelio Marañon bilang acting mayor ng Magpet matapos tatlong araw na hindi sumipot sa kanyang...

BARMM chief Minister Ebrahim: Bangsamoro honors sacrifices of Filipino heroes

COTABATO CITY  – The leadership of the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) today expressed optimism the Filipino people can survive and...

Mlang Mayor Abonado, isinugod sa ospital, nasa stable ang kalagayan

Stable ang condition ni M'lang Mayor Russel Abonado matapos itong isugod sa isang ospital sa M'lang, Cotabato. Sinabi ni M'lang MDRRM Officee...