NDBC COVID-19 WATCH: 22 new cases in Region 12, only 2 cases in BARMM
COTABATO CITY - Mas marami ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus disease sa region 12 kaysa bilang ng mga gumaling.
Kagabi iniulat ng Department of Health ang karagdagang 22 panibagong kaso ng sakit. Sa bilang ng mga bagong kaso, labing walo ang mula sa General Santos City, tatlo sa North Cotabato at isa sa South Cotabato.
Dahil diyan sumampa na sa 5,936 ang total covid infection sa rehiyon. Gumaling naman ang walong pasyente kung kayat pumalo na sa 5,506 ang total recoveries.
Anim sa mga gumaling ay mula sa General Santos City at tig-iisa sa North Cotabato at South Cotabato.
Nasawi naman kahapon ang isang 62 years old na lalaki na taga Carmen N. Cotabato kung kayat pumalo na sa 215 ang Covid-19 related deaths sa rehiyon.
Nasa 213 ang aktibong kaso.
SA BANGSAMORO REGION, dalawang panibagong kaso ng covid-19 ang naitala ng Ministry of Health.
Lahat ng bagong kaso ay taga Cotabato City.
Dahil diyan, sumampa na sa 4,162 ang total cases sa BARMM.
Walang naitalang gumaling kahapon kung kayat nanatili sa 3,917 ang total recoveries.
Nasa 87 naman ang aktibong kaso.