Wednesday Apr, 24 2024 12:36:39 AM

NDBC COVID 19 WATCH: 2 deaths, 25 new infections, 3 recoveries in Region 12

HEALTH • 21:30 PM Tue Dec 22, 2020
789
By: 
NIGEL PAUL FLORA SUMANGHID/NDBC

COTABATO CITY - Nakapagtala ang Department of Health ng mas maraming bilang ng pasyenteng gumaling na mula sa deadly virus kaysa mga bagong kaso sa Soccsksargen region hanggang ngayong gabi.

Nadagdag sa total case count ng mga gumaling ang 32 na mga pasyente, kayat meron na ngayong total na 4,018 recovered patients sa rehiyon.

Labing pito sa mga gumaling ay taga Cotabato City, pito sa South Cotabato tig-tatlo sa Sarangani at Sultan Kudarat at dalawa naman sa General Santos City.

Iniulat din ng DOH, ang 13 panibagong kaso ng sakit kung kayat abot na sa 4,453 ang total Coronavirus Infection sa Rehiyon. Lima sa mga bagong kaso ay taga General Santos City, apat sa Cotabato City at tig-dalawa sa North Cotabato at South Cotabato.

Ang General Santos City parin ang nangunguna sa mga lugar na may pinakamaraming kaso ng sakit, na umabot sa 1,322, sumusunod ang South Cotabato na may 1,111 Covid Positive, Cotabato City 1,030 Covid infections, Sarangani 398, North Cotabato 347 at Sultan Kudarat 245.

Nasawi naman  ang dalawa pang pasyente na kinabibilangan ng isang 73 anyos na babae na taga Kidapawan at 64 anyos na lalaki na taga Polomolok dahil sa komplikasyon at dahil sa Covid 19.

Kung kayat pumalo na sa 157 ang total related deaths ng Covid 19 sa Soccksargen. Habang bumaba pa ng hanggang sa 277 ang active cases o nagpapagaling pa.

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...