NDBC COVID 19 WATCH: 1 death, 49 recoveries and 25 new cases in Region 12
COTABATO CITY - Nasawi kahapon ang isa pang pasyente na taga Koronadal City dahil sa complikasyon at dahil sa Covid 19.
Dahil diyan, abot na ngayon sa 155 ang bilang ng mga nasasawi dahil sa Covid sa Soccsksargen.
Nakapagtala naman ang Department of Health ng mas maraming bilang ng pasyenteng gumaling mula sa deadly virus kaysa mga bagong kaso.
Lumabas sa pinakabagong case bulletin ng kagawaran na 3,986 na ang total recoveries ng sakit matapos nadagdag ang 49 na gumaling sa total case count.
Sa nabanggit na bagong kaso, tig-labing tatlo ay taga Cotabato City at Sarangani, 9 sa General Santos City, 7 sa South Cotabato, 4 sa North Cotabato at 3 naman sa Sultan Kudarat.
Habang ang total coronavirus cases ay nadadagan ng 25 kaya umakyat pa sa 4,440 ang kabuang bilang ng tinamaan ng deadly virus sa rehiyon.
Sampu sa mga bagong kaso ay taga General Santos City, walo North Cotabato, lima Cotabato City at tig-iisa sa South Cotabato at Sultan Kudarat. Ang active cases o mga nagpapagaling ay nasa 298 pa.