NDBC COVID-19 UPDATE: 55 new infections, 24 patients recover in Region 12
Nakapagtala ng mas maraming coronavirus infections ang Department of Health sa region 12.
Kagabi, naitala sa rehiyon ang karagdagang 55 panibagong kaso ng COVID-19 kung kayat pumalo na sa 4,534 ang total cases.
27 sa mga bagong kaso ay mula sa General Santos City, 16 North Cotabato, 10 South Cotabato at tig-iisa sa Sultan Kudarat at Sarangani.
Ayon pa sa DOH-12, 24 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,880 ang total recoveries ng COVID-19 sa SOCCSKSARGEN region.
Siyam sa mga gumaling na pasyente ay mula sa Sultan Kudarat, tig-pito sa South Cotabato at General Santos City at isa naman sa North Cotabato.
Nasawi naman kahapon ang isang 78 years old na lalaki na taga Carmen kung kayat meron na ngayung 163 total COVID-19 related deaths sa rehiyon.
Nasa 491 naman ang aktibong kaso.