Thursday Jun, 13 2024 02:36:08 AM

NDBC BIDA BALITA Jan. 20, 2016

Local News • 16:24 PM Wed Jan 20, 2016
949
By: 
NDBC NEWS and current affairs

NEWSCAST

JANUARY 20,
2016 (WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BANGSAMORO BASIC LAW, sinimulan na
ang pag-amyenda sa Kamara

2. Dalawang Bangkay na pinaniniwalaang
biktima ng salavaging natagpuan sa Arakan, North Cotabato.

3. NTC 12 pinag-iingat ang publiko sa
paggamit ng mga social networking sites.

4. 100 DAYS MATERNITY LEAVE sa private
at public sector, aprubado na sa senado

AT NGAYON SA DETALYE...SINIMULAN na
kahapon ang pag-amyenda sa panukalang batas na Bangsamoro Basic Law o BBL sa
Kamara.

Ito ay sa
pamamagitan ng turn-en-contra ni House Minority Leader Ronaldo Zamora matapos
makabuo ng sapat na bilang ng mga mambabatas para magkaroon ng quorom sa
Kamara.

Bago ito,
idineklara ng liderato ng Kamara na umabot sa 175 congressmen ang tumugon sa
roll-call bago mag-alas-sais kagabi, bagay na pinanindigan ng liderato ng
kamara sa kabila ng pagkontra ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na out of
order”.

Agad na sinimulan
ni Zamora ang kanyang turn-en-contra na hudyat ng pagsisimula ng period of
amendments.

SAMANTALA, Ayon
naman kay Senate President Franklin Drilon, ngayong nasa period of
interpellation na ang naturang bill sa Senado, hihintayin nila ang Kamara na
maipasa ang sariling bersyon ng BBL dahil maituturing na local
application ang panukala kaya't kailangan na maunang mapagtibay sa
mababang kapulungan ng Kongreso.

Hihintayin nila
ang tugon ng lower house sa naturang panukala bago iakyat sa Senado.

Binigyang diin
naman ni House Speaker Feliciano Belmonte na kakausapin niya ang bawat lider ng
partidong bumubuo ng majority coalition sa Kamara.

Upang
maipararating sa bawat kongresistang miyembro ng bawat partido ang apila na
dumalo ng sesyon lalo't ilang araw na lamang ang natitira sa 16th Congress.

Nabatid na nasa
tatlong linggo na lamang ang sesyon ng Kongreso o katumbas ng 9-session days
bago ang adjournment ng sesyon sa Pebrero 5 para bigyang daan ang halalan sa
buwan ng Mayo.

Umaasa naman si North Cotabato 1st
district Congressman Jesus Sacdalan na magtutuloy-tuloy na ang arangkada ng
BBL.

APEKTADO ang
pagaaral ng abot 200 kabataan sa barangay Burikain, Pigcawayan, Cotabato dahil
sa mga nagdaang bakbakan na nangyayaring sa lugar.

Ayon kay
Barangay Burikain Sec. Abdullah Maraguir, nitong nakaraang linggo lang ng
ideklara ng alkalde ng bayan ang suspensyon sa klase ng eswkelahan sa nasabing
barangay.

Ito ay dahil
sa takot na muling magtagpo at sumiklab ang gulo sa naturang barangay sa
pagitan ng mga hindi pa pinangalanang mga armadong grupo na nagaaway-away sa barangay.

Ayon kay
Maraguer, ginagawan nila ng paraan kasama ang Moro Islamic liberation front at
international monitoring team na nakikipagugnayan sa lokal na pamahalaan upang
matiyak ang seguridad ng mga magaaral sa pagsasagawa ng kanilang make up class.

Nabatid na 60
percent ng mga residente ng barangay burikain ang nagsilikas dahil sa takot na
muling sumiklab ang bakbakan mula pa noong December 2015.

Inihayag
naman ni Maraguer na patuloy pa nilang inaalam kung may mga third-party pang
nakikisali sa kaguluhan.

Kinumpirma
naman ni Pigcawayan Mayor Herminio Roquero na magsasagawa sila ng preliminary
peace talks sa pagitan ng mga sangkot na grupo bukas.

Umaasa naman
si Mayor Rokero na dadalo ang mga miyembro ng naglalabang grupo upang matapos
na ang sigalot at hindi na maulit pa ang bakbakan. HINIHIKAYAT
ng Department of health at Department of Education ang mga magulang na may anak
na nagaaral sa kinder hanggang Grade 6 na lumahok sa National School deworming
day sa January 27, 2016.

Ayon
kay Department of Education Regional Coordinator Medical officer Dra. Vivian
Galang, target nilang ma-deworm ang 740 thousand na mga magaaral mula public at
private school sa region 12 kung sasali ang lahat ng mga magaaral mula kinder
hanggang grade 6.

Tiniyak
naman ni Dra. Galang na nagsumite sila parents consent sa mga magulang para
pormal na mapahintulutan ang kanilang anak sa sumailalim sa deworming.

Ang
OPLANand GOODBYE BULATE ay libre na ibabahagi ng DOH sa buong bansa.

Sa
lahat naman ng mga magulang na nagnanais ng karagdagang impormasyon ay maaring
makipagugnayan sa guro o sa mga health workers sa inyong lugar.

PINAGAARALAN na ng Land
Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB kung napapanahon nang
bawasan ang pamasahe sa pampublikong sasakyan bunsod ng patuloy na pagbaba ng
presyo ng petrolyo, partikular ng diesel sa bansa.

Ayon kay Presidential
Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., responsibilidad
ng LTFRB na pagaralan kung may pangangailangan sa fare reduction lalo na kung
may inihaing petisyon sa kanilang tanggapan.

Giit ni Coloma, dapat
tiyakin ng LTFRB na ang singil sa pampublikong mga transportasyon ay
makatuwiran at makatarungan.

Sa pinakahuling oil price
rollback, umabot na sa pinamakababang P19 pesos kada litro ang presyo ng diesel
na siyang ginagamit ng mga pampasaherong bus at jeep.

Sa ngayon ay umiiral pa rin
ang minimum fare na P7.50 pero karamihan sa mga tsuper ay naniningil ng P8 sa
rason na walang baryang 50¢ na panukli.

HULING
ARAW na ngayon ng pag-apply o pag renew ng business permits sa Lungsod ng
Cotabato.

Binigyang
diin ni Secretary to the City Mayor Aniceto Rasalan, wala silang igagawad na
extension maliban sa mga nakapagsimula ng makapagproseso ng kanilang lisensya
na maaring magpatuloy hanggang huling buwan ng Enero.

Nagsimula
ang Business One stop Shop o BOSS noong January 1 hanggang ngayong araw.

Giit
ni Rasalan, bigyan din ng konsiderasyon ang mga ahensyang nagbigay daan para
maaccomodate ang mga nagpoproseso ng kanilang mga lisensya kabilang na ang
Bureau of Fire and Protection, Philippine National Police, Social Security
System, City Health Office, City Treasury Office, at ang City Engineering
Office.

Wala pa ring pagkakilanlan hanggang sa ngayon ang dalawang mga bangkay na natagpuan sa gilid ng Highway sa Arakan, North Cotabato, Lunes ng tanghali.Sinabi ni Senior Inspector Felix Fornan, hepe ng Arakan PNP, posibleng biktima ang mga ito ng extra judicial killings at itinapon lamang sa nabanggit na lugar.Tadtad ng maraming saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima nang matagpuan sa Sitio Langud, Barangay Gambodes ng mga dumaraang commuters.Inihulog ang bangkay ng dalawang biktima sa isang drainage canal.Duda ang PNP na pinatay ang dalawa sa bahagi ng Bukidnon o kaya sa Davao City at itinapon lang sa lugar.Wala kasing palatandaan na sa mismong area sila pinaslang.Nanunuyot narin daw ang dugo sa katawan ng mga biktima tanda na gabi pa lamang ng linggo ay pinatay na ang mga ito.Nananawagan ngayon ang pulisya sa mga may nawalan ng kaanak na makipag ugnayan sa kanilang tanggapan upang makuha nila ang bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay.Nasa isang punerarya sa Arakan pansamantalang inilagak ang mga bangkay ng mga biktima. Sugatan ang lima ka-tao kabilang na ang driver nito matapos na maaksidente ang kanilang sinasakyang Isuzu truck sa brgy. New Montevedra, Antipas, North Cotabato kahapon ng tanghali.Kinilala ni Sr. Ins. Rolly Oranza, hepe ng Antipas PNP ang biktima na Jester Baligwat, 26-anyos, taga New Bohol Kidapawan City, siya driver ng naaksidenteng sasakyan.Habang sugatan din ang mga sakay nitong sina Atakador Jene 26 anyos Renante Datuin, 23 anyos at Marvin Limit, 24 anyos mga residente ng New Bataan Compostela Valley, at Ramil Lindo, 29 anyos ng Digos City, Ayon kay Oranza, mabilis raw ang takbo ng naturang truck at pagdating nila sa bahadang bahagi ng Highway ay bigla itong nawalan ng preno.Dito na ibinangga ng driver ang sasakyan sa nakaumbok na lupa sa gilid ng highway sanhi upang tumulipaon ang apat na mga sakay nito.Nagtamo sila ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan at isinugod Antipas Medical Hospital at agad ring dinala sa Kidapawan City Hospital.Dahil sa insidente nagtamo rin ng malaking pinsala ang sasakyan dagdag pa ng opisyal. HULI sa aktong nagbebenta ng shabu sa bayan ng Carmen ang isang Rab-Rab Sarmiento – isa sa top 10 most wanted sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Nakuha mula sa suspect sa buy-bust operation na isinagawa nito’ng Martes sa Barangay Ugalingan, Carmen ang apat na sachet ng shabu.
SA BAYAN ng Kabacan, huli sa buy-bust ang 45-anyos na magsasaka na si Abdulbasser Sali na taga-Barangay Kilada, Matalam.
Na-recover mula sa kanya ang ilang sachet ng shabu na may bigat na 2.5 grams. Inilagay din sa kustodiya ng Kabacan PNP ang motorsiklo na ginamit ng suspect kung saan na-recover ang naturang droga.
SA MATALAM, arestado sa anti-illegal drug operation sa public market ang isang 35-anyos na si Bernard Macaalay na taga-Purok Islam, Poblacion matapos makuhanan ng dalawang sachet ng shabu na tinaya sa P2,000.
SA PRESIDENT ROXAS, agad ikinulon
g ng mga pulis ang 18-anyos na si Jong Arelolo na taga-Purok Singko matapos ma-recover mula sa kanya ang dalawang sachet ng shabu.
Ang mga suspect na ito, ayon sa PNP, kinasuhan na mga kasong paglabag sa Section 5 at 6 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Mas palalakasin pa ngayon ng Kidapawan City Call 911 ang kanilang agarang pagtugon sa mga emergency sa lungsod.Sa year end accomplishment ng City Call 911 noong 2015 umabot sa mahigit apat na libong emergency cases ang kanilang natugunan.Ito ay bahagi naman sa Public Safety Program na isinusulong ni City Mayor Joseph Evangelista.Sa kanilang report, nasa 2,082 na medical cases kagaya ng stroke, severe allergies, sakit sa puso, animal bites, at iba pang uri ng karamdaman ang pinakamaraming bilang na agad nirespondehan ng City Call 911.Nakapagresponde rin sila ng abot sa 656 na mga vehicular accident.Abot naman sa 597 cases na napabilang sa mga OB related emergencies o panganganak ng mga inang buntis ang kanilang natugunan.Kasali din sa accomplishment report yaong paghahatid sa mga pasyente patungo sa mga ospital sa loob at labas ng Kidapawan City.Ngayong taon ay maaasahang mas mapapalawak pa ang serbisyo ng City Call 911 sa pagdating naman ng dalawang bagong 4x4 rescue vehicles na siyang gagamitin sa pagliligtas ng mga biktima sa malalayong lugar na hindi agad mararating ng mga ordinaryong sasakyan. ISINAILALIM na sa state of calamity kahapon ang buong lalawigan ng North Cotabato dahil sa epekto ng mild el nino phenomenon.Ibinunyag ng North Cotabato Provincial Disaster Risk and Reduction Management Council o PDRRMC na halos lahat ng 18 mga bayan at isang lungsod ng lalawigan ay apektado ng tagtuyot.Sinabi ni Provincial Agriculturist Engr. Elesio Mangliwan, umabot na 27, 558 hecaters ang naapektuhan ng matinding init ng panahon at tinatayang P238 million ang halaga ng mga pananim na napinsala bunga ng pagbaba sa water supply at pag-atake ng mga daga.Ayon narin sa ulat ng PDRRMC kabilang sa mga naapektuhan ang Palay na may pinasalang umaabot sa P15, 039, 972.70 Mais—P50, 043, 942.65 Oil palm—P5, 982,912.00 Coconut—P115, 693, 368.00 Rubber—P48, 250, 935.00 Cacao—P2, 293, 290.00 Kape—P713, 496.00Sa kabuoan aabot sa P238,017, 946.35 ang halaga ng mga pananim na sinira ng El Niño.Magiging daan ang deklarasyon ng state of calamity upang magamit ang 5% quick response funds para ipamili ng mga seedlings bilang ayuda sa mga apektadong magsasaka.Ilalaan din ang P4 million para gamitin sa cloud seeding na nakatakda ngayong huling lingo ng buwan ng Enero.NDBC BIDA BALITA Mag-ingat sa paggamit ng internet lalong lalo ng mga social networking sites tulad ng facebook.
Ito ang paaalala ng National Telecommunications Commission o NTC 12 sa mga mamamayan ng rehiyon.
Paliwanag ni NTC 12 Regional Director Froilan Jamias, dahil hindi pribado at madaling ma-hack, maaring gamitin ng mga masasamang loob ang mga networking sites para makapanloko ng kapwa.
Kaya payo ni Jamias sa mga mamamayan, huwag basta basta tanggapin ang sinumang nais makipagkaibigan sa kanila sa facebook.
Ayon kay Jamias, nakikisabay din kasi sa pagusad ng teknolohiya ang modus ng mga manloloko.
Ito ang ipinahayag ni Jamias matapos arestuhin ng mga elemento ng National Bureau of Investigation o NBI 12 ang ahente ng isang Finance Company.
Isinagawa ng NBI ang entrapment operation laban sa suspek matapos humiling ng tulong ang isang babaeng bibiktimahin sana nito sa General Santos City.
Ang naarestong suspek na si Rodney Oresa, biente kwatro anyos, ay tubong Koronadal City.
Nabatid na pinagbantaan umano ni Oresa ang biktima na ipapakalat nito ang kanyang mga hubad na larawan kapag hindi nakipagtalik sa kanya o magbayad ng limang libo.
Ang biktima ay matagal na umanong ka-chat ni Oresa sa facebook.
Matapos magpanggap na banyaga at pangakuan ng pera, napapayag umano ni Oresa na magpadala ng mga hubad na larawan sa kanya ang complainant.
Ang suspek ay nahuli ng mga kasapi ng NBI sa General Santos City kamakalawa. Napurnada ang tangkang pagtakas ng dalawang mga preso sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center.
Ito ay matapos mabuko ng mga jail guards dakong alas dos ng madaling araw kahapon.
Kinilala ni OIC Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas ang mga pupuga sanang preso na sina Ryan Paguirda, at Jonathan Campong, pawang nahaharap sa kasong pagnanakaw.
Ayon kay Lanzaderas, napilitan na magpaputok ng kanilang armas ang mga jail guards matapos tumangkang lumaban sa kanila ang mga suspek.
Ito ay ikinaalarma naman ng mga residente malapit sa pasilidad, isa na dito ang Bidang tagapakinig na nagsumbong sa Radyo Bida Koronadal City.
Ipinahayag ni Lanzaderas na nakalabas ang dalawang mga preso sa kanilang selda sa pamamagitan ng pagsira sa lock nito.
Narekober ng mga jail warden ang pinagdugtong na kumot na gagamitin sana ng mga ito sa kanilang pagtakas.
Tiniyak naman ni Lanzaderas na mapapatawan ng kaukulang disciplinary action ang dalawang mga preso.
Maghihigpit din ng seguridad ang mga jail guards sa pasilidad na kilala rin sa tawag na Provincial Jail. Patay ang isa katao matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa, Tupi, South Cotabato.
Kinilala ng Tupi PNP ang biktima na si Jerwin Galgo, residente ng barangay Polonuling, Tupi.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis, na si Galgo ay nasawi matapos mabangga ng minamanehong motorsiklo ang di pa tukoy na truck na nakaparada sa gilid ng highway.
Ayon sa PNP walang warning device na inilagay sa highway ang pahinante ng ipinaradang truck kaya posibleng hindi kaagad ito napansin ng biktima.
Ang road accident ay naganap sa national highway Polunoling, Tupi dakong alas dose y medya ng umaga kamakalawa.
Ang biktimang si Galgo na nagtamo ng grabeng sugat sa ulo ay dead on arrival ng dalhin ng mga myembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC Tupi sa Ospital.
Ang ang di pa tukoy na truck ay agad namang itinakas ng driver nito at patuloy pang pinaghahanap ng Tupi PNP. Patay ang tatlong tong gulang na bata matapos malunod sa isang resort sa Polomolok, South Cotabato.
Ang biktimang si Dave John Simpal, ay unang nakita ng isang Elmer Bantillo na palutang lutang sa swimming pool ng Mediavilla resort sa Barnagay Pagalungan, Polomolok, pasado alas singko ng hapon kamakalawa.
Ipinahayag ni Bantillo sa mga pulis na nagulat siya na ang inaakalang damit lamang na palutang lutang sa pool na nakita nito ay isa palang bata.
Matapos mabigyan ng first aid medication ng gwardiya ng resort, ang batang biktima ay dinala sa Polomolok Municipal Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.
Ang mga labi ng nalunod na bata ay nakatakda pang isailalim sa post mortem examination.
Ito ay upang matiyak na walang foul play sa pagkasawi nito. Apektado ng pamemerwisyo ng mga pesteng daga ang abot na sa 1,200 ektaryang mga sakahan sa South Cotabato.
Ayon kay Provincial Agriculture Officer Justina Navarete, pinakamatinding sinalanta ng mga daga ang mga pataniman sa bayan ng Tantangan na umabot sa mahigit isang libong ektarya.
Apektado din ng pamemeste ng mga ito ang apatnaput limang ektaryang sakahan sa bayan ng Tampakan.
Kabilang sa mga sinira ng mga daga ang mga pananim na palay, mais at prutas.
Kinumpirma din ni Navarete ang pamemeste ng mga black bugs, at army worms sa mga palayan sa mga bayan ng Banga, Surallah at Koronadal City.
Ipinahayag ni Navarete na ang pananalasa ng mga peste sa mga pataniman ng South Cotabato ay epekto ng El Nino Phenomenon.
Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ngayon sa South Cotabato ang pagsasagawa ng cloud seeding operation.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes posibleng angn cloud seeding operation ay sisimulan na ngayong araw.Ipinahayag ni Fuentes na naglaan ng limang daang libong piso ang provincial government para pambili ng asin na gagamitin sa cloud seeding.

CM Ebrahim urges Bangsamoro to be ‘custodians’ of democracy on 126th PH Independence Day

COTABATO CITY — Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) joined on Wednesday the celebration of the 126th Philippine Independence Day...

NDBC BIDA BALITA (June 12, 2024)

NEWSCAST 1   MGA SUSPECT na nang-ambush sa convoy ng isang kapitan sa Cotabato City, kilala at kakasuhan ng mga biktima, ayon sa PNP...

Japan approves $5.5M grant for birth registration in BARMM

MANILA – The Japanese government has approved USD5.5 million (PHP323.19) in grant to improve the access to birth registration of Sama Bajaus and...

MSSD execs visit program beneficiaries, projects in MagSur

MAGUINDANAO DEL SUR — As part of the BARMM Ministry of Social Services and Development’s (MSSD) inaugural Management Committee Meeting for the 1st...

Cotelco announces power service interruption in some parts of Antipas, Pres. Roxas, Magpet

Antipas, Pres. Roxas, Magpet. TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power...