Friday Mar, 29 2024 06:48:00 PM

NDBC BIDA BALITA (5.10.19)

NDBC BALITA • 23:00 PM Fri May 10, 2019
797

NEWSCAST MAY 10, 2019 (FRI)
7:00 AM

HEADLINES:

1. COMELEC AT PNP, may mga mahahalagang paalala bago para sa nalalapit na May 13 midterm polls.

2. PITONG mga barangay sa Kidapawan City, tinukoy na election areas of concern ng PNP

3. Vote Counting Machines na gagamitin sa Koronadal city, isasailalim na sa final testing at sealing ngayong araw.

4. PNP CHIEF, naglilibot ngayon sa Mindanao para tiyakin ang kahandaan ng mga pulis sa May 13 elections.

-0-

IDINEKLARA ni Pangulong Duterte bilang special non-working holiday sa buong bansa ang araw ng Lunes, May 13 sa bisa ng nilagdaan nitong Proclamation 719.

Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na magamit ang kanilang karapatang bumoto ng susunod na local at national officials.

Nasa 61 milyong mga Pinoy ang inaasahang boboto mula sa konsehal hanggang sa senador at partylists.

Samantala, ipatutupad naman ng PNP ang 48-oras na nationwide liquor ban o pagbabawal sa pagbebenta at pag-inom ng alak kaugnay ng idaraos na halalan sa Lunes, May 13.

Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Bernard Banac na magsisimula ang liquor ban hating gabi ng May 12 hanggang hating gabi ng May 13, araw ng botohan. Ayon kay Banac, sinumang mahuhuling nagbebenta at umiinom ng alak ay siguradong makukulong.

May mga operatiba ang PNP na maglilibot upang arestuhin ang sinumang lalabag sa liquor ban.

-0-

NAGSIMULA ng maglibot sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM at Region 12 si PNP Chief Oscar Albayalde.

Ito ay para matiyak ang kahandaan ng mga pulis sa idaraos na halalan sa Lunes, May 13, lalo na sa mga itinuturing na “election hot spots”.

Una nang sinabi ni Albayalde na hanggang ngayong araw siya magsasagawa ng inspection sa Mindanao. Nais kasi ng PNP chief na personal na ma-assess ang sitwasyon at seguridad sa rehiyon.

Ayon kay Albayalde, may mga dagdag na tropa na rin mula sa PNP Special Action Force ang nandirito na sa Mindanao para bantayan ang nasa 946 election hot spots.

-0-

ISA UMANONG miembro ng Maute Group at Dawlah Islamiyah ang boluntaryong sumuko sa militar kahapon sa Marawi city.

Kinilala ni Army’s 103rd Brigade Commander Col. Romeo Brawner ang sumuko na si Hilal Pamaloy Biston alyas Pakistan na taga ng LDSPPO compound, Barangay Langcap, Marawi City.

Isinuko rin ni Biston ang kanyang dalang M-16 A1 rifle at isang short aluminum magazine. Ayon kay Brawner, isinailalim na sa custodial debriefing si Biston na nagpasya ng sumuko dahil sa hirap at pagod sa pagtatago.

Samantala, hinimok naman ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Arnel Dela Vega ang iba pang mga miembro ng ekstremistang grupo na magbalik-loob na sa gobyerno para makapamuhay ng payapa. Dagdag pa ni Dela Vega, ang Task Force Balik-Loob ay may inihandang reintegration packages para sa lahat ng rebel surrenderee.

0-

SUGATAN ang anim katao matapos na magsalpukan ang mga sinasakyan nilang mga motorsiklo sa Sinsuat Avenue, Cotabato city.

Sabay-sabay na isinugod sa ospital ang mga biktimang sina JOHARI GAMOR, 22 years old; ASNOR MACATANONG, 24; at isang nakilala lamang sa pangalang Mae, 19 na taong gulang kabilang ang tatlong iba pang mga menor de edad na pawang mga residente ng lungsod.

Sa inisyal na report ng City PNP, pasado alas otso kagabi nang parehong humaharurot ang dalawang mga motorsiklong sinasakyan ng anim hanggang sa magkabanggaan sa nabanggit na lugar.

Tumilapon ang mga biktima dahil sa lakas ng salpukan ng kanilang mga motorsiklo sanhi para magtamo sila ng mga sugat, pasa, galos, at bale sa iba’t ibang parte ng kanilang mga katawan.

Maswerte na lamang at walang nasawi sa kanila.

-0-

Mainit na tinanggap ng mga mamamayan ng Maguindanao ang mga senatorial bet ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP LaBan na nagsagawa ng kanilang grand rally sa Buluan kahapon.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng pambato ng lalawigan sa Senado na si Maguindanao 2nd District Cong. Dong Mangudadatu.

Dumalo rin sa rally sina Bato dela Rosa, Koko Pimentel, at Francis Tolentino. Pinadala naman ni senatorial candidate Bong Go ang kanyang kaibigang si Philip Salvador bilang kanyang kinatawan.

Giit ng PDP-LaBan senatoriables, panahon na para dagdagan ang mga kinatawan ng Mindanao sa senado para maisulong ang tunay na pagbabago at kaunlaran sa rehiyon.

Nakiusap din ang mga ito na bomoto ng naaayon sa konsensya, huwag ibenta ang boto at patuloy na suportahan ang mga programa ni P. Duterte. Naging punong abala naman sa okasyon sina Maguindanao gubernatorial bet Freddie Mangudadatu at Maguindanao incumbent governor Toto Mangudadatu.

Tinatayang nasa 15 hanggang 20 libo katao ang dumalo sa naturang pagpupulong para magpa-abot ng suporta sa mga kandidato ng administrasyong Duterte.

-0-

Pitong mga barangay ng Kidapawan City ang tinukoy ng PNP na areas of concern na tututukan ng mga otoridad ngayong nalalapit na eleksyon.

Sinabi ni Kidapawan City PNP Chief, Police Lt Colonel Ramel Hojilla, nakalatag na ang security measures ng City PNP at pagdededeploy na mga pulis sa lahat ng mga polling centers sa apatnapung mga barangay ng lungsod.

Katuwang ng Kidapawan City PNP ang armed forces of the Philippines at mga comelec officials sa pagbabantay ng seguridad ng mga boboto sa araw ng halalan.

Ang mga barangay na tinukoy ng PNP ay ang barangay ng Linangkob, Sikitan, Sto Niño, San Roque at San Isidro pero sinabi ni Hojilla, naging maayos naman ang pagdaraos ng halalaan noong nakaraang eleksyon sa mga nabanggit na barangay.

Pinaiigting na din ngayon ng mga otoridad ang oplan kapanalig o ang oplan bitag sasakyan sa lahat ng mga labas masok na sasakyan sa lungsod maging ang magpapatupad ng Law enforcement operation ay pinalalakas ng City PNP.

Samantala, hinihiling din ng police official ang partisipasyon at kooperasyon ng lahat ng mga taga Kidapawan City upang maging matiwasay at mapayapa ang halalan sa lungsod.

-0-

National Grid Corporation of the Philippines, bumuo ng quick response team para sa Midterm elections ayon sa Regional communication and public affairs officer Southern Mindanao

Pinaghahandaan na rin ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang May 13, midterm elections ngayong lunes.

Sinabi ni Regional communication and public affairs officer ng NGCP Southern Mindanao Michael Ligalig, sinimulan na din nila ang kanilang maintenance, road clearing at iba pang operations para matiyak na sapat ang supply ng kuryente sa panahon ng halalan.

Bumuo na rin anya ang tanggapan ng quick response team upang agad na makapagresonde sa mga polling centers sa eleksyon na kinabibilangan ng transmission line personnel at maintenance testing division.

Dagdag pa nito, hindi muna sila magsasagawa ng replacements ng mga structures para maisawan ang schedule at unscheduled power interruption bago at sa panahon ng eleksyon.

Mayroon naman umanong suporta sa distribution utility kung kailangan ang technical services. NDBC BIDA BALITA

-0-

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security o CORDS si Department of Agriculture Manny Piñol sa Soccsksargen region.

Si Piñol ay isa lamang sa 16 na mga cabinet secretaries na pinangalanan ni Pangulong Duterte sa isinagawang cabinet Meeting sa Malacañang. Maliban kay Piñol, itinalaga rin si Defense Sec. Delfin Lorenzana bilang CORD sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang CORDS ay siyang magsisilbing alter ego ng Pangulo sa bawat rehiyon sa bansa. Ang napiling 16 na mga cabinet members ang siyang katuwang ng pangulo sa pagpapa-unlad ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa upang maging mabilis at mahusay ang pag resolba ng problema sa operasyon ng gobyerno.

Ito rin ang mangunguna sa mga joint meeting sa Regional Development Council (RDC) at Regional Peace and Order Council (RPOC) nang sa gayon ay mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa kani-kanilang mga rehiyon.

Sa pahayag ng Malacañang, ang CORD ang siya ring itatalaga para siguraduhin na maisagawa ang lahat ng programa at aktibidad ng pamahalaan sa mga rehiyon. Kabilang rin sa naitalaga ay sina Finance Secretary Carlos G. Dominguez na mangangalaga sa Davao Region at Secretary to the Cabinet Karlo Nograles naman sa Caraga Region.

Inaprubahan ng pangulo ang nasabing pagtatalaga sa mga cabinet secretaries bilang mga CORDS sa isinagawang cabinet meeting noong lune. NDBC BIDA BALITA

-0-

Nagkasagupa muli ang tropa ng gobyerno at rebeldeng New People’s Army o NPA sa Sitio Kirundum, barangay Kinarum, Magpet, North Cotabato, bandang alas 6:45 ng umaga kahapon.

Ayon kay 72nd Infantry Battalion, commanding officer Lt. Col. Rey Alvarado, may ilang sibilyan ang nag report hinggil sa presensya ng mga armadong grupo.

Mabilis namang rumesponde ang tropa ng pamahalaan sa lugar dahilan para magkasagupa nila ang nasa 25 mga NPA sa ilalim ng Guerilla Front 53.

Tumagal ng halos 30-minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig. Wala namang may nadamay na mga sibilyan sa nasabing sagupaan.

Ayon naman kay barangay Kinarum Kapitan Richard Lanaha, nasa 150 mga pamilya ang lumikas sa takot na maipit sa nasabing engkwentro.

Samantala, aminado rin si Alvarado na talamak pa rin ang extortion activity na ginagawa ng mga NPA sa lugar. Dahil dito mas pinaigting din ng militar ang ginagawang military operations sa lugar at minomonitor ang ‘permit to campaign’ ng mga rebelde.

-0-

Madaling araw pa lamang kanina ay inihatid na ng Comelec sa 33 polling centers ang mga vote counting machine o VCM at iba pang gagamitin sa May 13 midtern elections.

Ayon kay Koronadal Election Officer Michale Ignes, ito ay kaugnay sa final testing at sealing ng mga VCM ngayong araw.

Ipinahayag ni Ignes na para masubukan ang accuracy at kahandaan ng mga VCM, sampung mga botante ang susubok sa mga ito kada voting precint sa tulong ng mga kasapi ng electoral board o EB.

Ayon kay Ignes inaasahan na ang aktibidad ay sasaksihan ng mga kinatawan ng mga political parties, watcher, at iba pang mga stakeholder. Sinabi ni Ignes na maliban sa 133 na mga VCM na gagamitin sa mga voting precint, mayroon pang 13 reserba nito ang Comelec Koronadal.

Ito ay upang may magamit sakali mang may magka-aberyang VCM sa araw mismo ng eleksyon.

Kasabay ng pagtiyak nito ng kahandaan ng Comelec nanawagan din si Ignes sa publiko na lumabas at bumoto sa Lunes. Magsisimula ang botohan alas sais ng umga at magtatapos naman ng alas sais ng gabi.

0-0

PPCRV Chairman ng Diocese of Marbel may hiling sa mga kandidato at botante kasunod ng umano’y ilang kaso ng vote buying kaugnay sa May 13 election

Respetuhin ang karapatan ng mga botante na pumili ng mga kandidato na nais mamuno sa kanila.

Ito ang panawagan ni Diocese of Marbel Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV Chairman Father Ariel Distora sa mga kandidato sa May 13 midterm elections.

Sinabi din nito na dapat ay huwag ding kaligtaan ng mga kandidato na mayroong digdinad ang bawat botante. Binigyan diin ni Distora na ang pagboto ay hindi lamang hanggang sa pag-shade ng balota.

Dapat din ayon kay Distora na magtulungan ang mga mamamayan na bantayan ang kanilang mga boto.

Ipinahayag ito ni Distora na na siya ring Director ng Social Action Center ng Diocese of Marbel kasunod ng umanoy report ng vote buying.

Gayunpaman nilinaw ni Distora na ito ay pawang mga alegasyon pa lamang at kanila pang alamin kung ang mga ito ay mayroong katotohanan.

Nanawagan din si Distora sa mga mamamayan na ipanalangin ang matiwasay, maayos at malinis na eleksyon sa May 13.

0-0-

Tututukan ng Search for Cleanest and Greenest Local Government o LGU na ilulunsad ng Provincial Environment and Management Office o PEMO ang mga Greening Programs ng lokal na pamahalaan sa South Cotabato.

Ipinahayag ito ni South Cotabato PEMO Officer Siegfred Flaviano. Paliwanag ni Flaviano ang pagbabagong ito na naayon sa pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan ay inikomenda ng kanilang technical working group.

Sinabi ni Flaviano na 65 percent ng rating ng mga LGU ay ibabatay sa clean and green governance. Kalakip dito ang pagpapatupad ng 10-year solid waste management plan. Saklaw din ng evaluation ang mga barangay, public market, plaza, parks,at public terminal.

Ayon kay Flaviano ang mga top six LGUs ay makatatanggap ng P800,000; P500,000; P300,000; P180,000; P100,000 at P80,000. May naghihintay naman na tig P40,000 sa mga hindi papalaring LGU. Pararangalan ang mga magwawaging LGU sa Tinalak Festival ng lalawigan sa Hulyo.

0-0-

Mga bakwit dahil sa rido sa Surallah, South Cotabato nabigyan ng tulong ng DSWD 12

Nakinabang sa mga relief goods ng Department of Social Welfare and Development o DSWD region 12 ang mahigit 70 pamilyang bakwit sa Barangay Colungulo, Surallah, South Cotabato.

Matatandaan na lumikas ang mga ito dahil sa takot na maipit sa rido na naging sanhi ng pagkasawi ng dalawang mga Sitio Leader sa lugar.

Karamihan sa mga lumikas na pamilya ay mula sa Sitio Tipas, Colongulo at pansamantalang nanunuluyan sa kanilang Barangay Hall. Ang mga ito ay nabigyan ng ahensya ng bigas, kape, canned goods, sleeping kit at hygiene kit.

Kaugnay nito ipinahayag ni Colongulo Barangay Health Worker Adelaida Calibayan na nakapagbigay na rin sila ng paunang tulong sa mga bakwit.

Sinabi ni Calibayan na ipinagpasalamat nito ang pag-organisa ng isang Non-government organiztion sa kanilang Disaster Risk Reduction Community Team o DIRRECT.

Ito ang naatasang rumesponde sa anumang kalamidad na mananalasa sa kanilang lugar. Dinagdag din ni Calibayan na para matulungan sa kanilang araw araw na pangangailangan, tumutulong din sila sa paghahanda ng pagkain ng mga bakwit.

Ito ay bukod pa sa psychosocial at recreation-intervention activites ng lokal na pamahalaan na may layung mapawi ang takot at trauma ng mga batang bakwit.

-0-

Dalawang myembro ng 4-H Club of the Philippines na taga Cotabato Province sumasailalim ngayon sa Young Filipino Farmers Training sa Japan

Nasa Japan ngayon para sa labin isang buwang Young Filipino Farmers Training ang dalawang mga myembro ng 4-h Club of the Philippines mula sa Cotabato Province. Ang mga ito ay sina Arcel Maike Custodio ng 4-H Libungan at Alvin Hondante ng 4-H Antipas, na kumakatawan sa region 12.

Ayon kay Cotabato 4-H Provincial Coordinator Judy Gomez, bago ipinadala sa Japan ipinasa muna nina Custodio at Hondante ang masusing screening ng Office of the Provincial Agriculturist at Agricultural Training Institute o ATI.

Sila ay sumailalimdin sa 40-day Home Stay Module sa Mt. Kitanglad Eco-forest Farm sa Malaybalay, Bukidnon bilang paghahanda ng training sa Japan. Ang pagpapadala ng mga kasapi ng 4-H sa Japan ay isang proyekto ng national government.

Layunin nito na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na matuto ng mga makabagong teknolohiya na kanila namang maituturo sa mga magsasaka paguwi sa bansa.

UK: Bangsamoro one of world’s few successful peace processes

MANILA – The United Kingdom has hailed the creation of the Bangsamoro region as one of the world’s few successful peace processes as it joined...

Antipas LGU releases official list of victims of highway mishap

OFFICIAL list of victims of March 25, 2024 vehicular accident involving passenger van and cargo truck. The list is from the local government of...

Cotabato Light announces April 6 power service interruption

Cotabato Light announcement:  To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting a portion of...

BARMM has new police regional director

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - Police Brig. Gen. Prexy Dugas Tanggawohn was installed as new police regional director for the Bangsamoro...

BARMM, Inter-Agency Teams implement OPLAN HARABAS, nets 1 conductor positive for drug use

COTABATO CITY - The Philippine Drug Enforcement Agency in the Bangamoro Region and police units in the city conducted on Tuesday "Oplan Harabas" in a...