Wednesday Dec, 06 2023 10:03:25 PM

Moro revolutionary leaders Murad, Nur meet in Davao

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 20:15 PM Sun Sep 11, 2022
616
By: 
Drema Q. Bravo/DXMS

COTABATO CITY - Matapos ang mahabang panahon, muling nagkita sina MNLF Chairman Nur Misuari at MILF Chairman Ahod “Kagi Murad” Ebrahim.

Huling nagkita ang dalawang lider sa pagitan ng 1996 hanggang 1998 noong si Misuari ay regional governor pa ng ARMM. Dinalaw niya si MILF chairman Kagi Murad sa Camp Abubakar sa Matanog, Maguindanao para sana sa reunification at kumbinsihin ito na suportahan ang ARMM.

Kahapon, muling nagkita ang dalawang dating magkasama nang bisitahin ni Kagi Murad si Misuari sa bahay nito sa Davao City.

Sa panayam ng Radyo Bida sa MILF leader na mas kilala bilang “Kagi Murad,” sinabi nito na suportado ni Misuari ang kasalukuyang komposisyon ng Bangsamoro Transition Authority o BTA.

Ikinatuwa rin ni Misuari ang personal na pagdalaw sa kanya ni chief minister Ebrahim na hudyat ng tuloy-tuloy na pag-usad ng usaping pangkapayaan hindi lamang sa BARMM kundi maging sa buong Mindanao.

Sinabi naman ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito G. Galvez, Jr. na ang pagpupulong ng dalawang grupo ay tugon sa panawagan ni Pang. Ferdinand R. Marcos, Jr. na magkaisa ang lahat.

Kasama ni Kagi Murad na nagbisita kay Misuari si Member Parliament Abdulraof Macacua, MP Randolph Parcasio at MP Abdulkarim Misuari.

 

PNP tags 2 Daulah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...

3 face illegal possession of 6 rifles, narcotics raps

COTABATO CITY -  The Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region confirmed on Tuesday that the three residents of this city captured...

NDBC BIDA BALITA (Dec. 6, 2023)

HEADLINE 1   NOTRE DAME University sa Cotabato City, may 32 BAR passers; Babaeng Jail Officer sa BARMM, isa naman sa mga pumasa 2023...

32 NDU College of Law graduates, pumasa sa BAR exams; BJMP BARMM official pumasa din

ABOT sa 32 mga graduate ng Bachelor of Laws ng Notre Dame University o NDU Cotabato City ang pumasa sa kakatapos lang 2023 bar examinations. Batay...