More Pfizer, Sinovac vaccines vs. COVID-19 arrive for Region 12
HEALTH • 12:15 PM Sat Sep 4, 2021
659
By:
PIA-12
COTABATO CITY - Dagdag na 88,200 vials ng sinovac vaccine at 1,365 na vials ng Pfizer -BioNtech dumating sa Region 12 kahapon.
Ang Department of Health-12 ay tumanggap mula sa national government ng karagdagang 88,200 vials ng sinovac vaccine at 1,365 na vials ng Pfizer -BioNtech na mga bakuna para sa COVID-19.
Dumating ito kahapon ng umaga via Philippine Airlines sa Awang Airport, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Ang naturang karagdagang mga supply ay laan para sa mga residente ng rehiyon, batay sa prioritization criteria ng pamahalaan.
Sakop ng Region 12 ang mga probinsya ng South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at ang mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong at Kidapawan.