MILF chief Kagi Murad, umapela sa mga kasapi ng MILF na sumunod sa policy ng central committee
COTABATO CITY — Sumunod sa collective decision at policy ng MILF central Committee.
‘Yan ang panawagan ni BARMM Chief Minister Ahod “Kagi Murad” Ebrahim sa bagong paksyon ng Moro Islamic Liberation Front o na nagpakilalang MILF Salamat Wing.
Sa panayam ng Radyo Bida kay Chief Minister Ebrahim, sinabi nito na may sinusunod na proseso ang MILF central committee sa mga nais maging bahagi ng Bangsamoro Transition Authority o BTA.
Sa pananaw nito, maaaring mga gustong maging Member of Parliament ang nasa likod ng Salamat Wing faction.
Ayon kay Ebrahim, sa leadership ng MILF committee dapat sila mag-apply, pero sa ngayon kasi ay naisumite na nila sa Malakanyang ang 41 nominees.
Binanggit nito na maaaring may interes sa pamumuno sa BARMM ang nasa likod ng Salamat wing faction.
“Kasi ang mga kasama nila sa Malacañang ay mga traditional politicians, na sa tingin namin may interes din sa pamumuno sa BARMM," ayon kay Ebrahim.