Thursday Apr, 25 2024 04:21:33 AM

Mensahe in P. Aquino para sa National Peace Consciousness Month

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 03:16 AM Fri Sep 5, 2014
1,219
By: 
Admin
Malacanang Photo

Nagkakaisa ang ating sambayanan sa pagtataguyod ng National Peace Consciousness Month. Sabay tayong nagpapasalamat sa kapayapaang tinatamasa natin ngayon at unti-unti nang sumisilip sa Katimugan ng ating bansa. Kapwa tayo nagsisikap na isulong ang pagkakaunawaan sa bawat sulok ng Pilipinas, nang sa gayon tuluyan na nating malampasan ang kasaysayan ng hidwaan sa ating bayan. Maliwanag sa mga Pilipinoand Hindi na dapat magpatuloy ang ilang dekadang takot na namayani sa ilan sa ating mga pamayanan. Hindi na nararapat na madagdagan ang bilang ng ating mga kababayang gulo ang kinagisnan at nawalan na ng pag-asang may matiwasay na bukas pa silang kamumulatan. Hindi na natin hahayaang manatili ang sistema kung saan laging may naiiwan. Tipunin nawa tayo ng okasyong ito upang higit na mapagtibay ang ating paninindigan para sa kapayapaan. Tulungan nawa tayo nitong paghilumin ang mga pilat ng nakaraan at pagtibayin ang ugnayan ng Pilipinong minsang binalot ng pag-aalinlangan. Sa magkasama nating pamamanatang buuin ang isang tahimik at maunlad na bansa, patuloy nating naisasakatuparan ang pangarap nating kinabukasan para sa susunod na henerasyon. Batid nating marami pa tayong kakaharaping pagsubok sa tuwid na daan at nananatili sa baybayin ang banta ng kaguluhan, ngunit sa pagsisikap nating makipagdiyalogo at taos-puso nating pakikiambag sa reporma, alam kong mananaig ang katuwiranand Maisasantabi natin ang armas at alitan at mapapayabong ang kapayapaang bunsod ng pagkakaisa ng layunin, tiwala, at paggalang sa karapatan ng bawat isa.

Cotabato Light announces power interruption for April 30

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced the scheduled power interruption affecting some parts of Barangay Macaguiling, Sultan...

Over P65-M shabu destroyed in Sulu: PDEA

COTABATO CITY - The Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office (PDEA-BARMM) destroyed more than 11 kilos of dangerous drugs with a...

DENR-12, partners kick off tree planting efforts in Sarangani tree park

KIAMBA, Sarangani Province – A total of 300 native tree seedlings were planted on Monday, April 22, by the DENR Community Environment and Natural...

Army gets 5-hectare land for new Basilan camp

COTABATO CITY - The Lamitan City government on Tuesday donated to the Philippine Army a five-hectare land for a camp as part of its security and...

Sultan Kudarat to host Miss Universe Philippines national costume competition

The NATIONAL COSTUME COMPETITION of Miss Universe Philippines 2024 will be happening in the majestic land of Sultan Kudarat! Get ready for that and...