Mayor Ogena: No Movement Sunday, hindi ipatutupad sa June 27; ilang lugar naka granular lockdown
KORONADAL CITY - Hindi magpapatupad ng No Movement Sunday ang Koronadal city government sa darating na Linggo, Hunyo 27.
Ito ang inihayag ni Mayor Eliordo Ogena, kung saan ipinunto nito ang tatlong dahilan para dito.
Ayon sa alkalde, ang unang rason ay dahil maapektuhan ang ekonomiya ng lungsod dahil walang kita ang mga tricycle drivers, mga vendors at iba pa; pangalawa naman ay dahil sa spiritwal na kadahilanan lalo't napapabayaan na ang pananampalataya ng mga mamamayan bunsod ng pandemiya.
Habang ang ikatlo ay dumadagsa ang mga residente sa mga shopping malls pagdating ng Lunes matapos ang pag-obserba ng No Movement Sunday kaya hindi naobserbahan ang social distancing, ayon sa Incident Management Committee.
Dagdag ni Ogena na layunin lang naman nitong ipatupad ang No Movement Sunday upang ipabatid sa mga mamamayan na hindi na tulad ng dati ang ating pamumuhay sa normal na paraan bunsod ng COVID-19.
Muli itong nananawagan ng kooperasyon at sundin ang mga minimum health protocols lalo na't ginawa nila ang lahat upang ipaalam sa lahat laban sa panganib na dala ng naturang sakit.
Matatandaang isinailalim ang lungsod ng Koronadal sa general community quarantine mula noong Hunyo 14 hanggang sa Hunyo 30, 2021.
Samantala,
Isinailalim sa granular lockdown ang siyam na mga lugar sa lungsod ng Koronadal, simula kahapon Hunyo 22 hanggang Hulyo 6, 2021 bunsod sa pagtaas ng mga kaso ng covid-19.
Ayon kay Mayor Eliordo Ogena, kabilang sa mga isinailalim sa granular lockdown ay ang sumusunod:
1. Purok Hillside at San Antonio Phase 1, Brgy Sta. Cruz
2. Agan North, Brgy Morales
3. Agreda Phase 1 at Marbel Homes, Brgy Sto. Niño
4. Prk Tony Ko, Supper Village at St. Gabriel, Brgy Zone 3
5. Baldostamon Subdivision, Brgy Zone 4