Saturday Apr, 20 2024 02:10:31 AM

Mayor Ogena defends arming BPAT

Local News • 15:00 PM Mon Jul 26, 2021
758
By: 
NDBC NCA /DXOM-RADYO BIDA KORONADAL
Koronadal City Mayor Eliordo Ogena

KORONADAL CITY - Nagpaliwanag si Koronadal Mayor Eliordo Ogena hinggil sa iminumungkahi nitong pag-armas sa mga BPAT members sa bawat barangay bilang isa sa mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Ito'y matapos nagpahayag ng pangamba ang ilang mga residente ng lungsod na baka maabuso ito ng mga BPAT members at magiging trigger-happy na magreresulta sa kontrobersiya o kamatayan kapag hindi magagamit ng maayos.

Ngunit inihayag ni Ogena na batay sa kaniyang mungkahi, bubuo rin sila ng mga protocols upang masiguro na tatalima ang mga ito maliban pa sa pagdaan sa masusing training, neuro exams at orientation ang mga BPAT members upang matiyak na magiging responsable sila sa paggamit ng mga armas.

Plano kasi ng alkalde na i-isyu sa kanila ang shotgun, habang ang ibang BPAT members ay mananatiling ang kanilang armas.

Bawat barangay aniya ay may tig-isang shotgun na plano nitong ipamahagi kung saan gagamitin lamang ito kapag armado ang suspek o malalagay sa panganib ang kanilang buhay.

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...

3 dead in South Cotabato highway accident

COTABATO CITY - Three individuals died instantly in a gruesome highway mishap involving two vehicles in Barangay Polonuling in Tupi town in South...