Mayor Jesus Sacdalan, nagpositibo sa Covid-19
ALAMADA, North Cotabato - Sa lahat ng minamahal kong Alamadians, nais ko pong ipaalam sa inyo na ako po ay nag positibo sa COVID-19 dahil may nakasalamuha ako na positibo sa COVID-19 sa isang pagtitipon habang ginagampanan ko ang tungkulin bilang inyong Municipal Mayor.
Kasalukuyan akong naka-quarantine, ngunit huwag kayong mag-alala sapagkat nasa maayos po akong kalagayan.
Para na rin sa kaligtasan ng lahat at mga taong palagi kong nakakasalamuha, kinakailangan kong sundin ang tamang proseso.
Sa lahat ng aking mga nakasalamuha simula noong May 12, 2021, sana kayo ay magself-quarantine o home quarantine at kong mayroon kayong nararamdaman na sintomas, agad itong ipagbigay alam sa ating Rural Health Unit.
Ito ay isa lamang patunay na sa kabila ng pag-iingat, ang banta ng COVID-19 ay nariyan. Patuloy po nating sundin ang mga minimum health standards na ipinapatupad ng Department of Health (DOH) para mapanatili ang ligtas na pamumuhay sa bayan ng Alamada.