Marcos Jr expected to grace BTA-2 inaugural session Thursday
INAASAHANG DADALO si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa inaugural session ng extended Bangsamoro Transition Authority o BTA bukas.
Ito ay matapos na personal na anyayahan ni BARMM chief Minister Ahod “Kagi Murad” Ebrahim ang pangulo upang maging guest of honor and speaker.
Mismong si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. ang naghayag ng pagdalo ng pangulo sa mahalagang okasyon sa BARMM regional government center sa isang pagpupulong kahapon sa Davao City.
Dumalo sa pulong si Special Assistant to the President Anton Lagdameo.
Ang inaugural session ay gagawin sa Shariff Kabunsuan Cultural Center.
Inaasahan din ang pagdalo ng mga miembro ng diplomatic community at mga kinatawan ng mga bansang tumutulong sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.
Umaasa si Galvez na tuloy ang pagdalo ng pangulo sa okasyon bukas.
Inaasahan din ang pagdalo ni MNLF Chairman Nur Misuari na bago lang ay nagkaroon ng reunion kasama si Chief Minister Murad sa Davao.