Maguindanao trader slain in Midsayap ambush
Mindanao Armed Conflict • 23:30 PM Tue Sep 20, 2022
543
By:
DREMA Q. BRAVO/DXMS Radyo Bida
Contributed photos
PATAY ang negosyanteng taga Datu Piang, Maguindanao matapos pagbabarilin ng riding criminals sa Quezon Ave., Barangay Poblacion 6, Midsayap, Cotabato mag-aalas 4:00 ng hapon kanina.
Kinilala ni Midsayap town police chief Lt.Col. Rolly Oranza ang biktima na si Bon-Bon Sindatok Edzla, 53-anyos, isang negosyante.
Ayon sa report ng Midsayap Police, minamaneho ng biktima ang kanyang Isuzu DMAX na may license plate LFJ 269 nang lapitan ng mga suspek at pinagbabaril.
Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng caliber 45 pistol.