Maguindanao town councilor killed in highway mishap
Local News • 13:00 PM Mon Apr 18, 2022
636
By:
NDBC NCA
MLANG, North Cotabto - Patay ang isang councilor ng Maguindanao at kapatid nito matapos na sila ay maaksidente sa national highway sa Barnagay Langkong alas 7 kanina.
Kinilala ang mga nasawi na sina Councilor Musa Bago, 58 years old ng Datu Piang, Maguindanao at kapatid nitong si Panday Bago, 45, na siyang driver ng pick-up vehicle.
Nakabangga ng kanilang sasakyan ang kulay pulang Toyota sedan at isa pang sasakyan.
Sugatan subalit ligtas naman ang isang regional official ng Soccsksargen region na hindi muna kinilala sa report.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP traffic unit ng Mlang MPS.