Friday Apr, 19 2024 11:27:19 AM

Magsasaka na ang pananim ay sinalanta ng baha, tutulungan ng SoCot Agri office

AGRICULTURE • 17:00 PM Wed Jan 27, 2021
3
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal
Ang nasirang palayan sa South Cotabato.

KORONADAL CITY- Magbibigay ng planting materials at abono sa mga magsasaka na nalugi dahil sa masamang panahon nitong mga nakalipas na linggo ang provincial agriculture office ng South Cotabato.

Tiniyak ito ni Provincial Agriculture Officer Dr. Raul Teves. Ayon kay Teves, lumabas kasi sa kanilang assessment na pinapa ng malakas na hangin ang mga pananim na palay sa mahigit 250 ektaryang sakahan sa bayan ng Tantangan.

Maliban sa Tantangan, may mga palayan din na apektado ng masamang panahon sa bayan ng Banga. Mabuti na lamang ayon kay Teves dahil sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA na-insured sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC ang nasabing mga sakahan.

Kaya ayon kay Teves ay walang dapat ipangamba ang mga apektadong mga magsasaka.

Umaasa naman si Teves na gaganda pa rin ang panahon para kahit papaano ay makabawi din ang mga apektadong magsasaka.

Mag-live in, inambush sa Midsayap, babae patay, lalaki sugatan

MIDSAYAP, North Cotabato - NASAWI on the spot ang isang babae habang sugatan naman ang ka live-in partner nito nang pagbabarilin sa Purok Chariza,...

MSSD-BARMM condemns attack against lady employees; PRO-BAR offers P100K reward for info on attackers

COTABATO CITY  - The Ministry of Social Services and Development (MSSD) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) has...

2 patay, tatlo sugatan sa salpukan ng fish car, Mazda pick-up at prime mover sa Tupi

KORONADAL CITY - Dalawa ang patay at tatlo agn sugatan sa vehicular crash sa national highway sa bayan ng Tupi kaninang madaling araw na...

Babaeng kawani ng Maguindanao Norte provincial social welfare office, patay sa ambush, kasama sugatan

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Patay ang isang babaeng kawani ng Municipal Social Welfare Office o MSWO ng Datu Odin habang sugatan ang...

Drought-stricken Basilan declared under state of calamity

COTABATO CITY - The Sangguniang Panlalawigan in Basilan placed the entire province under a state of calamity in a session on Wednesday due to...