Magpet village councilman hurt in ambush, suspect hurt too
Peace and Order • 12:45 PM Sat Dec 11, 2021
1
By:
DXND Radyo Bida
Kagawad ng Barangay Mahongkog, Magpet, North Cotabato kritikal matapos pinagbabaril mag-aalas 8:30 ng umaga kanina.
Kinilala ang sugatang biktima na si Kgwd. Robillar Jabao.
Sugatan din ang suspek na bumaril sa kagawad na wala pang pagkakakilanlan.
Batay sa impromasyong nakuha ng Radyo BIDA, sakay ng motorsiklo si Kagawad Jabao sakay ang kanyang dalawang anak na makikita sa larawan papunta sana sa barangay hall para magparegister sa Philsys ng PSA nang binaril ito ng suspek.
Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng PNP hinggil sa nangyaring krimen.