Magnitude 5. 1 quake rocks Kalamansig ahead of 44th year anniv of Aug. 17 Moro Gulf killer quake
COTABATO CITY - Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat, partikular sa karagatan sa harap ng Kalamansig.
Naganap ang pagyanig isang araw bago gunitain ang August 17 earthquake sa Moro Gulf na kumitil sa buhay ng maraming mga mamayan, 44 na taon na ang lumipas.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 66 kilometers southwest ng bayan ng Kalamansig, alas-3:22 hapon ng Linggo (August 16).
May lalim na 586 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Walang iniulat na nasaktak o nasawi sa lindol kanina.
Tinatayang walong libo katao ang nasawi, 2 libong kato ang sugatan at 4 na libog iba pa ang missing mula sa coastal areas ng Kalamansig, Lebak sa Sultan Kudarat, Kusiong sa Datu Odin Sinsuat, Bukana sa Cotabato City, Sultan Kudarat, Landasan, Parang sa Maguindanao, Kapatagan, Balabagan, Malabang, Sutlan Naga Dimaporo sa Lanao del Sur Pagadian City at mga baybayin ng Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.
Naganap ang lindol noong August 17, 1976 ala 1:17 ng madaling araw.
Basahin ang dagdag na ulat tungkol dito sa www.ndbcnews.com.ph