Tuesday Mar, 28 2023 12:18:43 AM

Maglive-in partner, patay nang masunog ang tricycle na may kargang ilang galon ng gasolina

Local News • 15:15 PM Thu Mar 16, 2023
153
By: 
DXND Radyo Bida

MATALAM, North Cotabato - Hindi na makilala ang mukha at halos maabo na ang katawan ng isa sa mag live-in partner na kasamang nasunog sa nagliyab na tricyle sa Purok 3, Barangay Salvacion, Matalam, Cotabato bandang alas 11:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni Matalam Bureau of Fire Protection investigator SFO1 Rommel Quinones ang mga nasawi na sina Josefa Cantire, nasa hustong gulang at kinakasama nitong si Mario Sorongon na parehong residente ng Kabucalan, Matalam.

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na ang magkasintahan mula Del Carmen, President Roxas karga ang dalawang container ng pinaghihinalaang gasolina, nang makarating ito sa pinangyarihan ng insidente at biglang may umusok at nasunog sa bahagi ng motorsiklo.

Sa taranta ni Agustin ay nabangga nito ang tricyle sa puno ng kahoy, dahilan para bumaliktad ito at mas nagliyab pa ito batay sa pahayag ng nakasaksi.

Nakagapang naman agad si Mario palayo sa tricycle pero nasunog na ang malaking bahagi ng katawan nito matapos agad kumalat ang apoy.

Habang agad na nasawi si Josefa na naipit sa tricycle at halos maabo ang katawan.

Naisugod pa sa ospital si Mario sa President Roxas pero idineklara itong dead on arrival. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP sa insidente.

No description available.

Make time for charity work this Holy Week, faithful urged

MANILA – The social action and humanitarian arm of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) urged the faithful to take time to...

Marcos admin committed to fulfilling Bangsamoro peace deal

MANILA – The administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. is committed to fulfilling all agreements under the Bangsamoro peace process...

Isuzu Crosswind vs. Forward truck sa Isulan, dalawa malubhang nasugatan

ISULAN, Sultan Kudarat - Sugatan ang dalawa katao sa nangyaring banggaan ng Crosswind at Forward truck sa national highway ng Brgy. Bambad, Isulan,...

AFP: 5 Dawlah Islamiyah killed, bombing plot foiled in North Cotabato, Maguindanao Sur

CAMP SIONGCO, Maguindanao Norte  – Military authorities here have claimed that it foiled bombing plots by Dawlah Islamiyah-Hassan Group members...

Bishop urges South Cotabato gov’t to defend open-pit mining ban

KORONADAL CITY - A Catholic bishop has challenged South Cotabato’s chief executive to defend the province’s ban on open-pit mining after an appeals...