Mag-asawa, sugatan sa ambush sa Maguindanao
Mindanao Armed Conflict • 15:45 PM Mon May 30, 2022
816
By:
DXMS Radyo Bida and John Unson
COTABATO CITY - SUGATAN ang mag asawa sa isang kaso ng pamamaril sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao pasado alas siete kaninang umaga.
Kinilala ni Sujltan Kudarat town police chief Lt. Colonel Sabri Lakibul ang mga biktima na sina aPaul Sherwin Bacolor at Genilyn, taga Barangay Macaguiling ng naturang bayan.
Ayon kay Lakibul, magkaangkas ang mga biktima sa isang motorsiklo nang bigla silang pagbabarilin ng hindi pa tukoy na suspect gamit ang caliber. 45 pistol.
Nagpapagaling na ngayon ang mga biktima at nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Sultan Kudarat PNP.