Madrasah school children in Maguindanao get aid from MP Candao
ABOT SA 147 NA mga mahihirap na Bangsamoro pupils ng Madrasah Dawah Al-Islamiya ang nakatanggap ng school supplies mula kay Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member of Parliament Bai Maleiha Bajunaid Candao.
Ang mga mag-aaral ay kabilang sa mga beneficiary ng programang isinusulong ni MP Candao maliban sa kanyang legislative works sa BTA-BARMM.
Ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng maikli at simpleng programa bilang pasasalamat sa ayuda na kanilang natanggap na makatutulong para sa kanilang pag-aaral.
Tiniyak ni MP Candao may nakalaan ding katulad na programa para sa iba pang mga mahihirap na mag-aaral sa Maguindanao
Pinasalamatan naman ni MP Candao si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim sa tiwalang kaloob sa kanya upang maigng tulay at makapag-paabot ng tulong sa mga mangangailangang Bangsamoro.