LOOK! Tao naipit sa driver's seat ng Bongo car sa Makilala, North Cotabato
Breaking News • 06:00 AM Sat Oct 31, 2020
991
By:
DXND radyo bida
LOOK: Pinagtulungang hugutin ang driver ng Bongo nang maipit matapos makabanggaan ang isang van sa Malaang Bridge, Barangay Saguing, Makilala, North Cotabato kahapon.
Kinilala ang driver ng Bongo na si Lloyd Panes na taga General Santos City.
Papuntang Kidapawan ang direksyon ng Bongo habang papunta naman ng Poblacion sa Makilala ang van nang mangyari ang banggaan.