Monday Nov, 29 2021 05:43:29 AM

Libungan, North Cotabato binaha, kagamitan ng mga mamamayan dinala sa gilid ng highway

Climate Change/Environment • 22:30 PM Thu Nov 11, 2021
216
By: 
NDBC NCA

LIBUNGAN, North Cotabato - KASUNOD NG MALAKAS NA BUHOS NG ULAN kahapon, binaha ang ilang low-lying areas sa Libungan, North Cotabato.

Tinatayang mahigit 100 mga pamilya ang apektado at napilitang hakutin ang kanilang kagamitn sa gilid ng highway na inabot na din ng tubig baha alas 8 kagabi.

Sinabi ni Municipal agriculturist Tereista Bingil Testado na nagsimulang tumaas ang tubig at pumasok sa mga bahay sa gilid ng highway ilang oras makaraan ang malakas na buhos ng ulan.

Bukod sa mga bahay, napasok na rin ng tubig baha ang Catholic chapel sa Barangay Batiocan.

Lubog din sa tubig ang malawak na palayan sa naturang barangay.

Ito ang ikalawang pagbaha sa naturang lugar ngayong taon bagaman at malimit na ang pagbaha kapag malakas ang buhos ng ulan sa itaas na bahagi ng bayan.

Nagmula ang tubig sa Mt. Agkir-Agkir na sinasabing kalbo na dahil sa pamumutol ng puno at kaingin.

 

Only 17 new COVID-19 infections in Region 12, zero fatality

Regional COVID-19 tracker as of November 28, 2021 (6:00 PM) SEVENTEEN (17) NEW CONFIRMED CASES SIX (6) NEW RECOVERIES NO NEW COVID-19...

Bong Go hails release of funds for health worker's compensation, benefits

Senator Christopher “Bong” Go shared that President Rodrigo Duterte instructed the release of additional budget to compensate healthcare workers (...

3 persons, including a senior and a minor survive electrocution

MLANG, North Cotabato – Nagpapagaling na ngayon ang maglola makaraang makuryente sa Barangay Bagontapay, Mlang North Cotabato . Ayon sa...

More towns get BARMM-funded town hall projects

COTABATO CITY - Three more towns got municipal building projects worth P25 million each from the Bangsamoro administration, meant to boost...

Cotabato Light starts sending consumers' power bill via SMS, email

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has started using eBillTxt to manage account bills with ease of its clients. Consumers are...