LGU, nag-alok ng P300K sa impormasyon sa bumaril kay Councilor Moby
DATU MONTAWAL, Maguindanao – Nag-alok ng halagang P300,000 reward money ang local government ng Datu Montawal sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na ikadarakip ng mga pumatay kay Councilor Mubarac “Moby” Abubakar.
Ang pag-aalok ng reward money ay kinumpirma Datu Montawal Mayor Otho Montawal.
Si Councilor Abubakar ay binaril sa ulo at katawan ng di pa nakikilalang mga suspect habang ito ay buimibili ng isda sa gilid ng national highway sa Barangay Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao tanghali noong lunes.
Ayon kay Datu Montawal police chief Lt. Nurjhassier Sali, si Councilor Abubakar ay binawian ng buhay habang dinadala sa ospital.
Aniya maaring magpadala ng mensahe sa mobile number 0916-892-9062 ang sinumang may impormasyon hinggil sa mga pumatay kay Councilor Abubakar.