Koronadal unlicensed dentist huli sa CIDG entrapment operation
Local News • 19:45 PM Tue Apr 20, 2021
1
By:
RADYO BIDA KORONADAL
KORONADAL CITY - Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9484 o Illegal Practice of Dentistry ang isang unlicensed na dentista matapos mahuli sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Antipolo St, Barangay Zone 2, lungsod ng Koronadal.
Kinilala ang nahuling target ng operasyon na si Paz Magluyan Lopez, 64 anyos at residente ng Barangay Cacub.
Nahuli ng mga operatiba ng CIDG-South Cotabato si Lopez sa akto kung saan tumambad sa mga ito ang mga gamit sa pagbunot ng ngipin at paggawa ng pustiso.
Nabatid na maraming mga kliyente nito ay karaniwang pumupunta sa kaniya dahil sa mura nitong singil sa pagpapapustiso at iba pang serbisyo kung saan 10 taon rin itong nag-ooperate.