"King Cobra" napatay ng magsasaka sa Tulunan, North Cotabato
Local News • 09:30 AM Sun Jun 13, 2021
1
By:
DXND Radyo Bida
TULUNAN, North Cotabato - Matagal na sinusubaybayan ng mga magsasaka ng Sitio Saban, Barangay Maybula ang King Cobra na ito o mas kilala sa tawag na "Banakon."
Sinabi ni Niel John Oyao na taga Barangay Maybula, maraming manok na ang nabiktima ng ahas na ito na umaatake tuwing madaling araw sa kanilang barangay.
Sinukat ni Alias Boy ang napatay na ahas at batay sa larawan, ito ay mahigit anim na metro ang habang ng Banakon.