Kidapawan trader slain in grenade attack
KIDAPAWAN CITY - Patay ang isang negosyante nang tapunan ng granada ang bahay nito bandang alas otso y medya ngayong gabi sa barangay Singao.
Sa report ng DXND Radyo Bida at DXOM-Happy FM, nakilala ang biktima na si Mark Romerde.
Ayon kay Barangay Singawo Kagawad Jim Batislaong, nasa labas ng kanyang bahay ang biktima kasama ang kanyang asawa nang unang pagbabarilin ng apat na beses ng di nakilalang mga suspect.
Matapos ito, naghagis pa ng granada ang mga ito bago tuluyang tumakas.
Naisugod pa ang biktima sa Kidapawan City Hospital pero ideneklarang siyang dead on arrival.
Dalawang nakasuot daw ng uniporme ng military ang unang bumaril sa negosyante.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Idinagdag ni Kagawad Batislaong na hindi naman nasaktan ang asawa ng biktima.