Kidapawan City councilor resigns, cites health issue
Local News • 13:00 PM Wed Apr 14, 2021
667
By:
NDBC NCA
KIDAPAWAN CITY - Nagsumite ng kanyang resignation letter ang isa sa mga konsehal ng Kidapawan City dahil na rin sa kanyang karamdaman.
Isinumite ni City Councilor Gregorio “Goyong” Lonzaga ang kanyang resignation noon pang April 08, 2021.
Ito ang kinumpirma mismo ng kanyang anak at maging ni City Mayor Joseph Evangelista.
Nagsilbi bilang konsehal ng lungsod si Lonzaga sa halos dalawang termino. Sa ngayon, patuloy pa itong nagpapagaling sa isang ospital sa Davao City.
Hindi pa batid ngayon kung sino ang posibleng hahalili sa kanyang pwesto.
Ikinalulungkot naman ng kasamahang nitong konsehal ang balitang ito.