KILALANIN ANG KIDAPAWAN! Ipinagdiriwang ngayong araw sa Kidapawan City ang ika-21st charter day ng lungsod. Marami naman ang tampok na aktibidad na maaring saksihan sa mismong araw, kung saan isa dito ay ang Civic Military parade na nagsimula alas 7 kanina, tampok ang nga kalahok at suot ang makukulay na kasuotan. Ngayong araw din ang Lechon Festival at Rock Jam Concert kasama ang sikat na grupo na Aegis habang mamayang gabi naman ang Fireworks Display. Ilan lamang sa mga inihandang aktibidad ng Kidapawan City LGU sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Joseph Evagelista. Nagsimula ang charter day celebration ng lugsod nitong February 5 hanggang February 14, 2019. Inaasahang dadalo naman si Presidential Son Sebastian Baste Duterte sa lungsod bilang espesyal na panauhin sa selebrasyon. Aasahang ibabahagi ng anak ng pangulo ng Pilipinas ang mensahe ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mismong araw ng anibersaryo ng pagsasa-lungsod ng Kidapawan. Tema ng pagdiriwang ngayong taon, Kidapawan City at 21 Celebrating Life, Sustaining Peace and Envisioning Prosperity. Iniimbitahan naman ang lahat at maging ang kalapit na lugar ng Kidapawan City na makilahok at saksihan ang mga aktibidad ngayong araw. Sa bisa ng Republic Act number 8500 na nilagdaan ni dating pangulong Fidel Ramos, naging ganap na component City sa lalawigan ng Cotabato ang Kidapawan noong February 12, 1998. Image may contain 6 people people smiling sand//scontent.fcgy1-1.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/51313287_2287631238146203_7903265197924548608_n.jpg?_nc_cat=102:amp_nc_eui2=AeGEPSbd0_J3FjBf8MbBSWtX3TnffzQm3jZfyAnyD1xBqJ8ynQaSzueduzJzhiR07BgrYzICULSEC4VeNIRfNimOLX6c0KPV0uh3K9p8YBppTgandamp_nc_ht=scontent.fcgy1-1.fnaandampoh=16821e14141e200316e03287b73355c8andampoe=5CFFF692