Kampanya upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan, inilunsad ng BARMM gov't.
SA LAYUNING suportahan ang programa ng gobyerno ng Pilipinas na protektahan ang mga karapatang pantao ng kababaihan.
Inilunsad ng Bangsamoro Government ang kanilang 18-day campaign to end violence againts women o VAW.
Highlight ng selebrasyon kahapon ay ang ika-apat na Bangsamoro Women Address ni Bangsamoro Women Commission Chairperson Bainon Karon.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin nito ang kahalagahan at mga mahahalagang kontribusyon ng mga kababaihan sa pag-unlad at pagkamit ng kapayapaan sa Bangsamoro region.
Tiniyak ni Karon na ang Bangsamoro Women Commission ay patuloy na maninidigan at itataguyod ang mga karapatan ng bawat babae sa Bangsamoro sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kampanya at pagprotekta sa mga ito.
Hinikayat din nito ang lahat ng kababaihan na sama-samang magsusumikap para maging VAW-free ang Bangsamoro region.