Friday Jun, 09 2023 09:56:12 PM

Isyu ng UniFAST, pinatitingnan ni P. Marcos, ayon kay Gov. Tamayo

Local News • 19:00 PM Sat May 20, 2023
199
By: 
DXOM- Radyo Bida Koronadal

Naramdaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hinaing ng mga estudyante.

Ito ang ipinahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., matapos iparating sa pangulo ang pangamba ng maraming estudyante kung makapagpapatuloy pa sa pag-aaral.

Kasunod ito ng temporary suspension ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST.

Ayon kay Tamayo, positibo ang naging tugon ng pangulo sa isyu ng UniFAST.

Sa katunayan ayon sa gobernador pinatitingnan na nito ang mga scholarship programs sa mga State Universities and Colleges na walang pondo para masolusyunan.

Dagdag pa ni Tamayo kampante siyang mabawi ang suspension ng UniFAST dahil hinahanapan na ito ng budget ng Ehekutibo.

Nauna rito, humiling ng tulong ang Association of Higher Education Institutions o HEI sa kongreso para maresolba ang hindi umano pag-release ng pondo para sa UniFAST ng Commission on Higher education o CHED.

Ayon kay Association of Higher Education Institution Region 12 President Agapito Lubaton na siya ring national vice president ng nasabing grupo, abot sa higit sa P6 billion pesos ang kailangang bayaran ng CHED sa mga HEI na nagpatupad ng UniFAST sa buong bansa.

Dagdag pa ni Lubaton, sa region 12, abot pa sa higit may P1 billion pesos ang pondo sa UniFAST ang hindi pa nai-release ng CHED mula noong 2021.

Paliwanag ni Lubaton hiniling nila ang tulong ng mga mambabatas matapos balewalain umano ng CHED ang kanilang hinaing.

Dagdag pa nito, marami din sa kanilang mga kasama ang inuurong ang complain laban sa komisyon dahil sa takot matapos umanong pagbantaan na pag-initan at ipasara ang kanilang mga eskwelahan.

Ipinunto ni Lubaton na may pondo para sa UniFAST kaya lang sinuspinde ang pag-release nito dahil sa kawalan ng liquidation ng CHED.

Ang problema sa UNIFAST ay inaakyat na sa Committee on Higher and Technical Education na ng kongreso.

2 GROs nabbed for illegal drug use

KABACAN, North Cotabato – Police arrested two women who were caught in the act of sniffing prohibited drugs inside a beerhouse in Barnagay Osias at...

Abrogar welcomes new TESDA director general Mangudadatu, says agency is in good hands

KORONADAL CITY – The new director general of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-12) has been a strong partner of TESDA-...

Maguindanao del sur teacher hurt in ambush

SUGATAN ANG isang guro matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Sitio Matalam, Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao...

Comelec: No more extensions of SOCE filing deadline

MANILA — The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday said it will no longer grant extensions on the deadline for the filing of statements...

BARMM governors launch `caucus' as peace, development platform

COTABATO CITY --- Five of the six provincial governors in the Bangsamoro region have agreed to work together for peace and sustainable development...