Isulan vice mayor, councilors, nagpiyansa sa kasong graft
KORONADAL CITY - HINDI INARESTO kundi kusang nagtungo sa Isulan police station upang linawin ang usapin ng sinasabing warrant of arrest laban sa vice mayor ng Isulan at apat na town councilor.
Sinabi ni Vice Mayor Lord Dean Castillo na umugong ang balitang meron silang warrant of arrest dahil sa kasong graft.
Kaya si Vice Mayor Castillo at sina Councilors Councilors Rene Aristoza, Blit Cartojano, Gina Belmes Dael, Rayan Dumaran, Sangguniang Kabataan at ex-officiio council member Clariz Lagdamen.
Sila ay merong warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Allan Edwin Boncavil ng RTC-19.
Iginiit ng mga akusado hindi sila hinuli kundi sila mismo ang nagtungo sa police station para humingi ng kopya ng warrant at upang makapagpaliwanag.
Sila ay nakapag-bayad na ng tig 90,000 bail bond.
Hindi inihayag ng PNP kung anong kaso ang kinakaharap ng mga local officials maliban sa pagsabing ito ay paglabag sa anti-graft law.