Sunday Sep, 19 2021 10:48:48 AM

Huling pagpugay sa isang sundalong bayani na nasawi sa Maguindanao

Mindanao Armed Conflict • 10:00 AM Fri Aug 13, 2021
285
By: 
John M. Unson
Photos courtesy of 43rd IB in Samara and 6th Infantry Division.

Binigyang parangal ng 43rd Infantry Battalion, Philippine Army, sa Catarman National Airport sa Catarman, Northern Samar si Corporal Melchor Solayao na nasawi sa isang roadside bombing sa Datu Hoffer, Maguindanao bago lamang.

Anim na mga kasama ni Cpl. Solayao ang nasugatan sa naturang pagpapasabog ng roadside bomb ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters habang dumadaan ang kanilang sasakyan sa bahagi ng isang highway sa Datu Hoffer, isa sa mga bayan sa Maguindanao na may presensya ng BIFF.

Si Cpl. Solayao ay taga Barangay Macagtas sa bayan ng Catarman sa Northern Samar.

Sa isang official statement ngayong Byernes, August 13, nagpasalamat sa 43rd IB si Major Gen. Juvymax Uy, commander ng 6th Infantry Division na sumasakop sa Maguindanao, sa pagbigay ng naturang battalion ng airport military honors para sa nasawing si Cpl, Solayao.

Ayon kay Major Gen. Uy, siya ring commander ng anti-terror Joint Task Force Central sa Central Mndanao, ang 43rd IB din ang siyang nagtalaga ng vigil guards at nag-alay ng bulaklak sa burol nito.

Naiulat din ng media na ang 43rd IB din ang siyang nag-facilitate ng pagpapa-abot sa naulilang pamilya ng sundalong killed in action (KIA) ng inisyal na financial assistance sa immediate family nito mula sa iba't ibang units ng Armed Forces.

 

Soccsksargen has 446 new COVID-19 infections

COTABATO CITY - Regional COVID-19 tracker as of September 18, 2021 (6:00 PM) FOUR-HUNDRED-FORTY-SIX (446) NEW CONFIRMED CASES FOUR-HUNDRED-...

8 hurt in Maguindanao blast

CAMP SIONGCO, Maguindanao - Eight villagers got hurt in an explosion that ripped through a covered court in the town proper of Datu Piang on Saturday...

12 die in GenSan as Region 12 records 432 new COVID-19 infections

COTABATO CITY - Regional COVID-19 tracker as of September 17, 2021 (6:00pm) FOUR-HUNDRED-THIRTY-TWO (432) NEW CONFIRMED CASES FIVE-HUNDRED-...

5 men yield P102-K shabu in Maguindanao

COTABATO CITY – Five persons, including a minor, were arrested while PHP102,000 worth of suspected shabu was seized during an operation at a...

BARMM leaders welcome passage of HB 10121

COTABATO CITY — The House of Representatives (HoR) approved on third and final reading House Bill 10121 that aims to reset the 2021 parliamentary...