Wednesday Mar, 22 2023 05:27:29 AM

Former 6th ID commander, ex-board member, pumanaw na

Breaking News • 17:45 PM Tue Jul 27, 2021
1
By: 
NDBC NCA /DXOM-RADYO BIDA KORONADAL

KORONADAL CITY - Itinuturing na isang malaking kawalan para sa lungsod ng Koronadal ang pagpanaw ng isa sa mga nirerespetong opisyal ng City Anti-Drug Abuse Council na si former board member at retired brigadier general Agustin "Teng" Demaala.

Ito ang kinumpirma ni Koronadal Mayor Eliordo Ogena sa panayam ng Radyo Bida Koronadal, kung saan ipinaalamsa kaniya ni City Local Government Operations Officer Jennifer Fernandez na kritikal ang kalagayan ng opisyal at nais nang umuwi sa Koronadal mula sa pagkaka-confine sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City dahil sa iniindang renal cancer.

Inihayag nito na minsan na ring pumunta si Demaala upang gamutin ang kaniyang karamdaman.

Dagdag ng alkalde na isang masipag at dedikado na public servant si Demaala, na piniling magsilbi sa mamamayan sa kabila ng kaniyang sakit at pagkontra ng kanyang pamilya upang sana'y makapagpahinga na ito.

Una nito, naging opisyal rin ito ng Provincial Anti-Drug Abuse Council bago nailipat sa CADAC kung saan marami itong itinatag na mga inisyatibo at mga programa upang masawata ang kaso ng droga sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Sa ngayon, plano umano ng city government ang pagsasagawa ng public viewing para sa mga mamamayan na nais magbigay ng pakikiramay sa pamilya at pag-alala sa yumaong opisyal.

BARMM Darul Ifta declares Ramadhan to commence March 23

COTABATO CITY  – A Muslim religious leader today announced that the Holy Month of Ramadhan will official commence on Thursday, May 23, Thursday...

34 loose firearms handed over to military in Basilan

ZAMBOANGA CITY - Lantawan Mayor Nursiya Ismael handed over 34 loose firearms to the military in a ceremonial turn-over held at the 19th Special...

Man with P1,7-M shabu nabbed in Polomolok sting

KORONADAL CITY – Collaborative effort of PRO 12 in intensified campaign against illegal-drugs resulted in the arrest of notorious drug peddler...

Priest mistaken for transporting a "salvaged man"

KIDAPAWAN CITY  – A Catholic priest has claimed that a police officer suspected him of transporting a salvage victim while driving from Digos...

P510K shabu seized in Carmen, North Cotabato, dealer nabbed

KIDAPAWAN CITY – About P510,000 worth of shabu were seized from a High Value Individual (HVI) in Purok 14, Brgy. Poblacion A, Carmen, Cotabato...