Floods also hit Kalamansig upland and lowland, poste ng kuryente apektado
Local News • 07:45 AM Wed Apr 27, 2022
941
By:
Edwin O. Fernandez
COTABATO CITY -- Nakaranas ng flashfloods at pagbaha ang ilang lugar sa Barangay Paril, Kalamansig, Sultan Kudarat dulot ng halos buong araw na pag-ulan kahapon, Martes.
SA report ng Sultan Kudarat Electric Cooperative linemen, tila naging ilog ang concrete highway sa Sitio Babangkaw, Barangay Paril, Kalamansig, Sultan Kudarat.
Rumesponde ang mga tauhan ng Sukelco sa bumagsak na poste ng kuryente sa boundary ng Barangays Paril at Sangay at sinabayan sila ng dausdus ng tubig sa gitna ng highway.
Dahil sa mga nabuwal na poste, abot sa 11 barangays ng Palimbang, Sultan Kudarat ang nawalan ng supply ng kuryente kahapon. Naibalik na ito ngayong umaga.
Walang iniulat na nasawi o nasaktan