Fire hits old DOH-12 building inside BARMM compound
Local News • 16:30 PM Wed Jun 29, 2022
520
By:
DXMS Radyo bida
COTABATO CITY - INATAYANG P5 millionj ang kabuuang danyos sa nangyaring sunog sa OCM Compound, RH-7, Cotabato City mag-aalas 12:00 ng tanghali kanina.
Ito ang kinumpirma sa Radyo Bida ni Cotabato City Fire Office Fire Officer 2 Garnette Alano.
Partikular itong naganap sa dating tanggapan ng DOH 12.
Tumagal ng 30 minuto bago naapula ang sunog matapos rumesponde ang Cotabato City Central Fire Station, OCM Fire Sub-Station, MBRH Fire Sub Station at Chinese Volunteer Fire Brigade.
Wala namang naitalang casualties sa naturang sunog.