Thursday Sep, 28 2023 12:24:16 PM

Estudyante patay, 2 iba pa sugatan sa banggaan ng mga motor sa Parang, Maguindanao Norte

Local News • 16:30 PM Thu Apr 13, 2023
543
By: 
DXMS RADYO BIDA

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang estudyante habang nagpapagaling naman ang nakabanggan nito nang magkasalpukan ang minamanehong nilang mga motorsiklo sa Purok Molave Brgy. Poblacion 1, Parang, Maguindanao Del Norte, pasado alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Parang town police chief Major Christopher Cabugwang ang nasawi na si Steven Claude Molina Celestino, 21-anyos na taga Sitio Cuba Brgy. Gumagadong Calawag, Parang.

Habang sugatan naman si Dave Usman, 19-anyos at ang angkas nitong menor de edad, na pawang taga bayan ng Matanog.

Ayon sa imbestigasyon ng Parang PNP traffic section, minamaneho ni Celestino ang kanyang Yamaha Sniper habang sakay naman si Usman sa kanyang Honda CGX.

Mula ang dalawa sa magkabilang lane nang pagdating sa pinangyarihan ay nagkasalpukan ang mga ito.

Dinala pa sa pagamutan si Celestino pero binawian din ito ng buhay.

Muli namang nagpaalala ang Parang PNP sa mga nagmamanehong driver na mag-doble ingat upang maiwasan ang kahalintulad na aksidente.

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...