Friday Jul, 19 2024 04:05:23 AM

Estudyante na isang CAFGU, patay sa pamamaril sa Pikit

Peace and Order • 11:30 AM Wed Nov 29, 2023
861
By: 
NDBC NCA

PATAY on the spot ang isang Grade 11 student matapos pagbabarilin sa loob ng compound ng Datu Dalandag High School Annex sa Barangay Ginatilan, Pikit, North Cotabato alas 11:05 ng umaga kahapon, November 29.

Kinilala ni Pikit PNP Town Chief Pmajor Arvin John Cambang ang biktima na isang John Rey Cablas Cabuga, Grade 11 student, na miyembro rin ng CAFGU sa Alpha company ng 90th IB na nakabase malapit sa paaralan.

Nabatid na may kinukumpuni ang estudyante ng lapitan ng suspek at pinagbabaril. Tinamaan ito sa ulo at likod na sanhi ng kaniyang agarang kamatayan.

Agad naman tumakas ang suspek sakay sa lookout na nakamotorsiklo. Nasa anim na basyo Caliber 45 pistol ang narekober sa crime scene.

Agad namang sinuspende ang klase sa paaralan at base sa huling update, magpapatuloy ang suspensyon ngayong araw.

Wala pang abiso kung kailang babalik ang pasok sa nasabing paaralan.

Nagpapatuloy naman amg imbestigasyon ng PNP sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Mga larawan sa ibaba mula kay Noh Angeles.

                      No description available.

May be an image of 1 person, van, ambulance and text

May be an image of 1 person, water heater and text

P12.4-M worth imported cigarettes seized in Zamboanga City

COTABATO CITY - The police seized P12.4 million worth of smuggled cigarettes in two anti-smuggling operations in Zamboanga City on Wednesday...

3 BIFF members yield to police in Tacurong

GEN. SANTOS CITY – The PRO 12 police force successfully implemented an intel-driven operation leading to the surrender of three BIFF members at...

OPAPRU: Basilan arms surrender pact 'milestone' in peace process

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) on Thursday welcomed the recently signed memorandum...

Agents seize P1.3-M worth shabu in Cotabato City operation

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P1.3 million worth of shabu from a dealer operating in three cities and...

Rain showers to continue across PH Thursday

MANILA – Almost all areas in the country will experience rains due to a low pressure area (LPA) and the southwest monsoon, the weather bureau...