Friday Apr, 19 2024 02:49:29 PM

DSWD 12 tutulong sa LGUs para solusyunan ang pamamalimos

Local News • 20:00 PM Sat Jun 3, 2023
859
By: 
NDBC NCA /DXOM

KORONADAL CITY - Masalimuot ang problema sa pamamalimos kaya para ito maresolba kailangan din ng holistic approach.

Ayon kay DSWD 12 Regional Director Loreto Cabaya Jr. ang pagresolba sa nasabing problema ay kailangang pagusapan nila ng mga LGU at iba pang stakeholders.

Paliwanag ni Cabaya, mahalaga na matukoy kung anong mga interbensyon ang maaring gawin para tumigil na sa pamamalimos ang maraming mga mamamayan.

Kabilang sa mga ito ayon kay Cabaya ang posibleng legislation at utos mula sa mga local government.

Ipinunto ni Cabaya na bago solusyunan mahalaga na mapagaralan ng mabuti kung bakit mayroon pa ring mga nanghihingi ng limos.

Ito ay sa kabila ng mga programa para sa mga mahihirap ng gobyerno tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Una nga nga nagbabala sa publiko si South Cotabato Governor at National-Anti Povery Commission o NAPC Vice-Chairman Reynaldo Tamayo Jr, na maginngat sa pagbibigay ng limos.

Paliwanag ni Tamayo ito kasi ay paglabag sa Anti-Medicancy law na may layon na protektahan laban sa pananamantala ang mga bata.

                   May be an image of 1 person and text

Mag-live in, inambush sa Midsayap, babae patay, lalaki sugatan

MIDSAYAP, North Cotabato - NASAWI on the spot ang isang babae habang sugatan naman ang ka live-in partner nito nang pagbabarilin sa Purok Chariza,...

MSSD-BARMM condemns attack against lady employees; PRO-BAR offers P100K reward for info on attackers

COTABATO CITY  - The Ministry of Social Services and Development (MSSD) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) has...

2 patay, tatlo sugatan sa salpukan ng fish car, Mazda pick-up at prime mover sa Tupi

KORONADAL CITY - Dalawa ang patay at tatlo agn sugatan sa vehicular crash sa national highway sa bayan ng Tupi kaninang madaling araw na...

Babaeng kawani ng Maguindanao Norte provincial social welfare office, patay sa ambush, kasama sugatan

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Patay ang isang babaeng kawani ng Municipal Social Welfare Office o MSWO ng Datu Odin habang sugatan ang...

Drought-stricken Basilan declared under state of calamity

COTABATO CITY - The Sangguniang Panlalawigan in Basilan placed the entire province under a state of calamity in a session on Wednesday due to...