Drug peddlers na armado ng pellet gun, naaresto ng Koronadal PNP
2 drug suspect nakipaghabulan sa mga pulis, kulungan pa rin ang bagsak sa Koronadal City
KORONADAL CITY, South Cotabato- Nakipaghabulan man sa mga pulis kulungan pa rin ang bagksak ng 2 mga drug suspect sa Koronadal City.
Sa panayam ng Radyo BIDA kay Koronadal Chief of Police Lt. Col. Amor Mio Somine kinilala nito ang mga arestadong drug suspek na sina Michael Jay De Jesus at Jeffrey Tulabot, pawang mga nasa hustong gulang at nakatira sa Barangay Morales sa lungsod.
Ayon kay Somine isinagawa ang drug buy-bust operation sa public terminal sa barangay Sta. Cruz pasado alas 2:00 ngayong hapon.
Pero nang matunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang ka-transakyon tumakas ang mga ito sakay ng Toyota Fortuner.
Sinabi ni Somine na habang papatakas tinutukan pa ng isa mga suspek ng pellet gun ang mga humahabol na pulis sa pag-aakalang ma-intimidate nila ang mga ito.
Ang mga drug suspect ay nasukol ng mga pulis sa General Santos Drive sa Barangay Zone 3.
Ito ay matapos barilin ang mga gulong ng kanilang get away vehicle.
Nakumpiska ng mga pulis sa mga supect ang 7 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit P50,000.
Kinumpirma din ni Somine na ang suspek na si Tulabot ay kalalabas lang din ng kulungan matapos maaresto dahil din sa iligal na droga may dalawang linggo na ang nakararaan .